Connect with us

Showbiz

Andrea Brillantes, engrandeng nagdiwang ng kaniyang ika-18 taong kaarawan kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay!

Published

on

Marso 12, 2003 nang isilang si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza. Kamakailan lamang ay nagdiwang siya ng ika-18 taon niyang kaarawan.

Photo credit: Facebook Metro Magazine

Siya ang hinahangaan nating aktres na si Andrea Brillantes. Ilan sa mga natatanging proyektong kaniyang nagawa ay ang Annaliza taong 2013 at Kadenang Ginto noong 2018 kung saan kinabiliban at kinainisan ang karakter niya bilang si Marga Bartolome.

Photo credit: Facebook Metro Magazine

Hindi lamang siya isang mahusay na aktres dahil kapansin-pansin din ang angkin niyang kagandahan. Sa naging pagdiriwang niya para sa kaniyang “debut” ay marami ang napatulala sa kaniyang natural na kagandahan.

Ginanap ang engrandeng birthday party niya sa Palacio De Memoria Paranaque sa Maynila. Naging napakaespesyal din nito dahil sa kaniyang napakagandang debut photoshoot.

Photo credit: Facebook Metro Magazine

Sa ilang mga larawan na isinapubliko ng Nice Print Photography sa kanilang social media account at makikita na talagang nag-enjoy si Andrea sa photoshoot niyang ito. Kasama rin niya ang kaniyang escort na walang iba kundi ang kaniyang on-screen love team na si Seth Fedelin.

Photo credit: Facebook Metro Magazine

Bagay na bagay ang dalawa na aakalain mong isang prinsipe at isang prinsesa na tinadhana para sa isa’t-isa. Napakaelegante at napakaganda nang mga larawan ng dalaga, talagang blooming na blooming ito sa kaniyang mga larawan.

Sinong mag-aakala na ang dating Annaliza na hinangaan natin noon ay isa nang ganap na dalaga? Naitampok din sa Metro Magazine ang pagdiriwang na ito ni Andrea sa kaniyang kaarawan.

Hindi rin ipinagkait ng kilalang magazine ang ilang mga larawan ng dalaga. Mga bigating fashion designer din ang nagbihis sa kaniya at lumikha ng mga makalaglag-panga niyang gowns.

Photo credit: Facebook Metro Magazine

Ang ilan sa kanila ay walang iba kundi sina Michael Leyva, Mak Tumang, Francis Libiran, Mark Bumgarner, Vania Romoff, Patty Ang, Joe San Antonio, Debbie Co, Patricia Santos, Steph Tan at Erika dela Cruz. Nagsuot rin ang aktres ng gown na mula sa H&M x Simone Rocha collection.

Sa ngayon ay inaabangan ng kaniyang mga tagahanga ang mga proyekto nakalatag para sa kaniya ngayong taon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media