Connect with us

Showbiz

Anak ni Jaya na si Sabriya, hinahangaan ngayon ng publiko dahil sa pambihira niyang talento sa pag-awit at pagsusulat ng kanta!

Published

on

Si Jaya o si María Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc sa tunay na buhay ay 50 taong gulang na singer, rapper, record producer, aktres, dancer at host. Siya ay mayroong dugong Jamaican at Visaya.

Anak siya ni Elizabeth Ramsey na isa ring sikat na komedyante at singer nang kaniyang kapanahunan. Isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang mang-aawit ng bansa.

Nakasama na niya noon sa SOP ang ilan pang mahuhusay na mga mang-aawit, sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Janno Gibbs. Marami ang talagang napapasabay at napapasayaw habang siya ay umaawit.

Hindi tulad ng iba na mayroong makulay na buhay pag-ibig, minsan nang hindi pumanig sa kaniya ang tadhana nang maghiwalay sila ng una niyang mister na si Andrew Buffington taong 2001, tatlong taon matapos nilang magpakasal. Hindi naman nagtagal at natagpuan na rin niya ang taong magmamahal sa kaniyang muli, walang iba kundi si Garry Gatidoc.

Ikinasal sila taong 2006. Biniyaan sila ng dalawang anak sina Sabriya at Dylan.

Proud na proud si Jaya sa kaniyang anak na si Sabriya dahil sa ngayon ay marami nang mga taong humahanga at sumusuporta sa kaniya. Tulad ng iba pang mga magulang, walang ibang nais si Jaya kundi ang ikabubuti at ikatatagumpay ng kaniyang anak.

Tunay nga na nasa dugo talaga nila ang pagmamahal sa musika. Hindi lamang mahusay umawit si Sabriya dahil sa mayroon din itong talento sa pagsusulat ng kanta.

Madalas itong ipinagmamalaki ni Jaya sa kaniyang social media account. Maraming mga netizens ang nakapansin na sa talentong ito ni Sabriya kung kaya naman mas marami pang mga tao ang humahanga at sumusuporta sa kaniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaya (@jaya)

Mayroon ding mga nagsasabi na maaari pa nga siyang maging isang beauty queen at modelo maliban sa pagiging isang singer o musician. Tiyak na magkakaroon din ng pagkakataon si Sabriya na mas maibahagi at maipamalas pa sa maraming mga Pilipino ang kaniyang natatanging talento.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media