Connect with us

Showbiz

Alodia Gosengfiao at Wil Dasovich, nag-date at namasyal sa isang pamosong resort sa Bohol!

Published

on

Hindi matatawaran ang napakarami at nakakabighaning mga lugar dito sa Pilipinas. Maging mga dayuhang turista nga ay dito na rin ninanais na magretiro at manirahan.

Hindi lamang tayo kilala sa pagiging magiliw at maasikaso natin sa ating mga bisita dahil sa maraming mga turista din naman ang nasasabik na makabisita sa Pilipinas dahil sa mga makasaysayang pook, mga beach, at mga magagandang tanawin natin dito. Maging mga sikat na personalidad at hindi rin pinapalampas ang makabisita sa ilang mga magagandang lugar dito sa bansa.

Tulad na lamang ng magkasintahang Alodia Gosengfiao at Wil Dasovich na nag-date at namasyal sa isang napakagandang resort sa Bohol. Si Alodía Almira Arraiza Gosiengfiao ay 33 taong gulang na cosplayer, modelo, TV presenter, singer, pianist, vlogger at aktres habang si Wil Lising Dasovich naman ay 29 taong gulang na Filipino-American TV personality, modelo, at isa ring vlogger.

Minsan na rin natin siyang napanuod sa “Pinoy Big Brother”. February 14, 2018 nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon sa publiko. Marami silang mga tagahanga at mga tagasuporta.

Nito lamang Pebrero ay maraming mga netizens ang nakapansin sa “romantic date” ng dalawa sa isang kilalang resort sa Bohol. Hindi tulad ang ibang mga magkasintahan ay maaga talaga silang nagdiriwang ng “Araw ng mga Puso”.

Talaga namang napakaganda ng mga larawang ibinahagi ng dalawa. Ang nakakakilig nilang date ay naganap sa Amorita Resort sa Bohol. Kitang-kita naman sa kanilang mga larawan ang matinding kaligayahan na kanilang naranasan sa naging maiksing bakasyon nila na ito sa kabila ng pandemyang nararanasan pa rin natin sa ngayon.

Tunay ngang marami na rin sa ating mga Pilipino ang nananabik na makabalik sa dati nating mga buhay. Lalong-lalo na ang pamamasyal o pagbiyahe sa iba’t-ibang lugar na isa rin sa mga pamamaraan natin upang mag-relaks, magbawas ng stress at makipag-bonding sa ating mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media