Connect with us

Showbiz

Aktres na si Maja Salvador, sinabing wala pa ring tatalo sa mga “beaches” dito sa Pilipinas!

Avatar

Published

on

Ang pamamasyal at pagbibiyahe ang ilan lamang sa mga aktibidad na madalas nating gawin kung gusto nating mamahinga o di kaya naman ay kung gusto nating bigyan ng “reward” ang ating mga sarili. Nakakalungkot lamang isipin na hanggang sa mga panahong ito ay hindi pa rin tayo makabalik sa normal nating pamumuhay noong bago pa man dumating ang pandemyang COVID-19 sa bansa.

Ito rin ang isa sa pinakakinasasabikan ngayon ng aktres, dancer, at talent manager na ngayong si Maja Salvador. Sa naging exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maja noong Marso 15, 2021 ay ibinahagi niya ang patungkol sa kaniyang “dream destination”, ang rehiyon ng Cappadocia sa Turkey.

“Gusto ko po mag-Turkey… Parang ang ano niya kasi, parang ang dreamy niya. Yun pang pag nandun ka feeling ko parang ano, nasa panaginip ako, nasa dream ako, ganun. Kaso gigising ka daw ng 5 a.m. para makita mo yun.” Pahayag ni Maja.

Hindi rin niya naiwasang magkwento patungkol sa kaniyang “fondest travel memories”. Kung magkakaroon nga raw siya ng isa pang pagkakataon na makabalik sa Cuba ay tiyak na isasama na niya ang kaniyang buong pamilya.

Kasama niya ang kaniyang nobyong si Rambo Nuñez nang minsang siyang bumisita rito. At talaga namang namangha siya sa angking kagandahan ng bansang ito.
“Yung mga old school na kotse, old cars, mga 19650s pa ata yun. Oo, ang ganda, promise. Saka yung inaayos talaga nila. Mukhang luma, pero pagdating sa loob, ang lakas nung aircon, ganyan.” Pagbabahagi pa ni Maja.

Naging napakasarap din ng karanasan nila pagdating sa mga inumin at pagkain roon na talagang babalik-balikan mo. Nakapamasyal na rin sila sa Switzerland kung hindi niya sinubukan ang mag-ski dahil sa takot niyang mabalian ng buto lalo na at pagsasayaw ang kaniyang hanapbuhay.

Sa dami na ng kaniyang mga napuntahang destinasyon sa iba’t-ibang panig ng mundo, wala pa rin daw tatalo sa mga beach natin dito sa Pilipinas partikular na ang Palawan, Batangas, at Amanpulo.

“Iba pa rin ang Palawan, iba pa rin ang Pilipinas. Amanpulo, yun talaga. Lahat po ng ano natin, beach natin. Ewan ko kung bakit pag napupunta ako sa iba, pag nag-snorkeling ako, Pilipinas pa rin. Kahit nga sa Batangas ka lang mag-snorkeling, ang ganda ng mga ano natin dun, e… Sa Maldives kasi medyo patay yung corals. Sad.” Kwento pa ng aktres.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media