Connect with us

Showbiz

Aktres na si Jackie Rice, kumpirmadonghiwalay na sa kaniyang “pandemic boyfriend” matapos niyang sagutin ang tanong ng isang fan!

Published

on

Si Jacqueline Sobreo Rice o mas nakilala natin bilang si Jackie Rice ay 30 taong gulang na aktres, komedyante, at modelo. Siya ang “Ultimate Female Survivor” ng ikatlong season ng Starstruck.

PHOTO/S: COURTESY: @_JACKIERICE ON INSTAGRAM

Marami ang humahanga sa maamo niyang mukha at sa kaniyang pambihirang talento sa pag-arte. Hindi lamang siya isang mahusay na aktres dahil marami na rin siyang mga nagawang proyekto sa mga kilalang magazine at endorsements.

PHOTO/S: COURTESY: @_JACKIERICE ON INSTAGRAM

Maganda at talaga namang sexy si Jackie. Hindi na nakapagtatakang marami ang magpantasya sa kaniyang angking kagandahan. Sa katunayan ay nagkaroon pa ng malisyosong balita noong 2019 kung saan napabilang siya sa listahan ng mga “escort” sa isang “booking website”.

PHOTO/S: COURTESY: @_JACKIERICE ON INSTAGRAM

Nito lamang Marso 2021 ay umugong naman ang usap-usapan na hiwalay na sila ng kaniyang “pandemic boyfriend”. Sa ngayon ay single nang muli ang aktres na si Jackie Rice. Maaalalang umamin siya noong Disyembre 2020 na sinagot na niya ang kaniyang manliligaw at tinawag niya itong “pandemic boyfriend”.

Mula noon ay naging madalas na ang kaniyang pagpopost sa kaniyang Instagram account ng kanilang mga bakasyon at pamamasyal. Mayroong “handle name” na “unlirice0714” ang kaniyang balbas-saradong nobyo.

PHOTO/S: COURTESY: @_JACKIERICE ON INSTAGRAM

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang mga buradong larawan ng aktres at ng hindi pa pinapangalan niyang nobyo. Nag-post din ng isang larawan ang aktres nito lamang Pebrero 2021 kung saan nilagyan niya ito ng caption na “When you know your worth, you don’t lose people. People lose you.”

Isa naman sa kaniyang mga tagahanga ang magalang na nagtanong sa kaniya kung kailan pa sila nagkahiwalay ng kaniyang dating nobyo. Agad naman itong sinagot ng aktres at sinabing noong nakaraang taon pa.

Marami din sa mga tagasuporta ng aktres ang nagsabing hindi bagay sa kaniya ang dati niyang nobyo kung kaya naman mabuti na rin daw na hiwalay na sila. “No comment” na mayroong kasamang “laughing emoji” ang tanging sagot ng aktres.

Source: PEP


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media