Connect with us

Showbiz

Aktres na si Ina Raymundo, inaming hindi na romantiko ang kaniyang mister tulad noon!

Avatar

Published

on

Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na Ina Raymundo ay 45 taong gulang na aktres, modelo, at singer. Ayon sa ilang mga ulat, 18 taong gulang siya noong unang nagtrabaho siya bilang isang modelo sa isang magazine.

Marso 2000 nang mag-pose siya ng “all-out” sa isa pang magazine. Sa edad na 39 taong gulang ay naging cover siyang muli ng FHM magazine noong Nobyembre 2015.

Naulit pa ito nang Marso 2017 sa edad niyang 41 taong gulang. Taong 2003 naman nang ikasal siya sa isang Ukrainian-Canadian businessman na si Brian Poturnak.

Nabiyayaan sila ng limang mga anak, sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve. Ayon pa sa ilang mga artikulo, 24 taon pa lamang noon si Ina Raymundo nang magkakilala sila ng kaniyang itinuturing na “Prince Charming”.

Makalipas ang halos dalawang dekada nilang pagsasama ay punong-puno pa rin ng pagmamahal ang kanilang pagsasama. Ngunit kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nagtaka sa naging pahayag niya patungkol sa pagiging “romantic” ng kaniyang mister.

“I can’t remember [any] kasi ‘tong asawa ko he’s been with me for 20 years and my husband is not very romantic…and aminado naman siya na hindi siya romantic na tao,” Pahayag ni Ina.

“Siguro noong nagde-date palang kami noong bago palang kami, talagang he swept me off my feet ganun. Hindi ko na maisip in particular pero he really spoiled me all that.” Dagdag pa ng celebrity mom.

“And 20 years later, he’s still a very good husband but ‘yung pagiging romantic talaga it’s so sad nawawala na after so many years kaya kailangan talaga extra effort from the guy. Not from women it should be the guy,” Pagpapaliwanag pa niya.

Nilinaw naman din niyang naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng kaniyang mister kung bakit mas “sweet” at mas “romantic” siya noon kumpara sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media