Connect with us

Showbiz

Aktres na si Empress Schuck ikinasal na sa kaniyang long-time boyfriend na si Vino Guingona

Published

on

Ang 28 taong gulang na aktres at modelo na si Empress Karen Carreon Schuck ay isa na ngayong may bahay! Ikinasal siya nito lamang Marso 6, 2021 sa kaniyang partner na si Vino Guingona.

Ang kanilang romantic garden wedding ay idinaos sa Hillcreek Gardens Tagaytay. Bagamat hindi pa nagbibigay ng ano mang detalye ang aktres ukol dito ay binati na siya ng ilan sa malalapit niyang kaibigan tulad na lamang ng kaniyang “matron of honor” na si Camille Makasiar.

“The road wasn’t always smooth and easy for Empress and Vino. There were challenges, heartaches and trials but they were only mere chapters of the story of Empress.” Caption ni Camille sa kaniyang post kung saan makikita ang larawan ng bagong kasal.

“Those chapters had to happen for the story to eventually lead us all here today. The beginning of Empress’ happily ever after.” Dagdag pa niya.


Maaalalang Setyembre 2020 nang magdiwang ng ikalimang taong kaarawan ang anak nilang si Athalia nang mag-propose si Vino sa aktres. Masayang masaya naman si Empress dahil sa itinaon ni Vino ang kaniyang proposal sa mismong kaarawan ng kanilang anak kung saan naroroon din ang malalapit nilang kaibigan at ang kanilang mga pamilya.

Isang araw bago ang kaarawan ni Empress noong Pebrero 19, 2021 ay sinorpresa siya ng kaniyang mga kaibigan ng isang “bridal shower”. Kasama na rito ang aktres na si Melissa Ricks.

Ayon sa aktres ay unang beses niyang makaranas ng ganito kung kaya naman talagang masayang-masaya siya. Marami man ang nabigla noon nang mapabalita ang kaniyang pagbubuntis at panganganak ay marami pa rin ang sumuporta sa kaniya.

Nagkaroon pa rin siya ng ilang mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Kahit kasal na at pamilyado na si Empress ay marami pa rin siyang mga tagahanga na naghihintay sa mga proyektong gagawin niya pa sa mga darating na taon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media