Connect with us

Viral

18 taong gulang na Groom sinwerte sa kaniyang negosyo kung kaya naman niregaluhan niya ang kaniyang Bride ng bagong “Ford Mustang”!

Published

on

Ang kasal ay sagrado, maraming mga bansa sa buong mundo ang talagang nagbibigay halaga sa pagdiriwang na ito. Ang mga babaeng ikakasal ay naghahanda para sa espesyal na araw na ito na magiging simula ng kanilang kinabukasan kapiling ang kanilang minamahal.

Photo credit: Yuni / @ayunieso24 – TikTok

Gayundin naman ang mga lalaking ikakasal na umaako ng responsibilidad sa hindi lamang sa kaniyang magiging kabiyak kundi sa pamilyang kanilang bubuuin. Marami ang hindi makapaniwala sa TikTok video na ito kung saan makikita ang isang groom at bride na magkayakap sa harapan ng isang bagong sasakyan.

Sa viral video ng bride na nakilala bilang si Yuni ay ibinahagi niya kung paano siya sinorpresa ng kaniyang 18 taong gulang na mister ng isang brand new “Ford Mustang”. Tinakpan ng kaniyang mga “bridemaids” ang kaniyang mga mata at inalalayan siya sa lugar kung saan naroon naghihintay ang bago niyang sasakyan.

Photo credit: Yuni / @ayunieso24 – TikTok

Hindi lubos akalain ng bride na bagong sasakyan ang nasa harapan niya na regalo mismo ng kaniyang mister dahil sa wala naman talaga silang pag-aari na sasakyan noon pa man. Wala silang motorsiklo o kahit pa “secondhand” na sasakyan.

Hindi man sila ipinanganak sa isang mayamang pamilya ay maaga silang nagsimula na maghanapbuhay. Marami silang mga pangarap na nais simulan at una na rito ang pagkakaroon nila ng isang negosyo bilang pasimula ng buhay nila bilang mag-asawa.

Gatas ng mga kambing ang kanilang negosyo. Hindi nila akalaing magtatagumpay ito at tatangkilikin ng marami. Kalaunan ay kinailangan na rin nila ng sasakyan para sa paghahatid nila ng kanilang mga produkto.

Photo credit: Yuni / @ayunieso24 – TikTok

Isang araw ay nag-test drive sila ng isang “Mustang”, halos ilang araw lang bago ang araw ng kanilang kasal. Hindi naman inakala ng bride na babalikan pala ito kaniyang mapapangasawa at babayaran ng “cash” mula sa kanilang kinita sa negosyo.

Tunay nga na napakaespesyal ng araw na ito para sa kanilang dalawa. Hindi lamang nila ito araw ng kanilang kasal kundi ito rin ang araw na mayroon naman silang natupad na isa sa kanilang mga pangarap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media