Connect with us

Viral

Pagsusunog ng “snow” makakatulong nga ba upang malaman kung totoong “snow” ito o hindi?

Avatar

Published

on

Kumpara sa ibang mga bansa na mayroong apat na mga panahon tulad ng tag-araw, taglamig, taglagas at tagsibol ang ating bansang Pilipinas ay mayroon lamang tag-ulan at tag-araw. Kung kaya naman patok na patok talaga sa mga Pilipino ang mga bansa o ang mga atraksyon na mayroong kakaibang klima.

Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang diumano’y pagiging peke ng mga snow. Ayon sa ilang mga ulat, matapos magkaroon ng isang snowstorm sa Atlanta taong 2014 ay mayroong mga naging usap-usapan na hindi raw talaga ito snow kundi pekeng snow lamang.

Mayroon pa ngang nagsasabi na gawa ang mga ito sa mga “psychoactive substances” o di kaya naman ay gawa sa mga “nanobots”. Muli namang nabuhay ang usapin na ito kung kaya naman maraming mga tao ang sumusubok na sunugin ang mga snow sa kanilang lugar upang malaman kung totoo nga ba ang mga ito o hindi.


Maraming mga video ang kumakalat kung saan makikitang sinisindihan ng mga tao ang hawak nilang snow at hindi ito talaga natutunaw. Bagkus ay nag-iiwan lamang ito ng tila itim na marka sa paligid ng nasindihang bahagi.

Dahil sa usaping ito ay naglabas ng isang video ang astronomer at science writer na si Phil Plait kung saan siya kumuha ng snow sa Boulder Colorado at sinubukan ding sindihan ito. Tulad ng maraming mga videos na kumakalat ay hindi rin ito natunaw at nag-iwan lamang ng itim na marka.

At dahil nga sa video na ito ay mas marami nang mga tao ang nalinawan patungkol sa pagiging totoo ng snow sa kanilang lugar lalo na at “winter season” ang nararanasang panahon ngayon ng maraming mga bansa. Tunay nga na hindi lahat ng nababasa o nakikita nating balita sa social media ay totoo kung kaya naman mas dapat tayong maging alisto at mapagbantay.

Hindi natin dapat hayaang maimpluwensiyahan tayo ng mga hindi wastong balita ngayon na mabilis kumalat online.

Source: 9Gag


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media