Connect with us

Viral

Online seller, ibinahagi sa publiko kung ano nga ba talaga angnangyayari sa likod ng kamera makakuha lamang ng magandang mga kuha para sa kanilang paninda!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, hindi na biro ang paghahanap ng trabaho lalo na sa gitna ng pandemya. Kung kaya naman maraming mga Pilipino ang sumusugal na lamang sa mga patok na negosyo sa ngayon.

Photo credit: Donna Donna Facebook

Isa na rito ang “online selling”. Dahil sa pandemya ay maraming mga tao ang talagangnahumaling sa pagbili ng kung ano anong mga bagay online.

Sa paraan kasing ito ay hindi na nila kakailanganin pang umalis ng kanilang tahanan at makisalamuha sa maraming mga tao. Lingid sa ating kaalaman ay hindi rin pala talaga biro ang pagtitinda online o ang pagiging isang online seller.

Photo credit: Donna Donna Facebook

Kamakailan lamang ay kinabiliban ng publiko ang isang online seller na ito dahil sa pambihirang diskarte niya sa pagkuha ng napakagagandang larawan ng kaniyang mga paninda. Siya ay nakilala bilang si Donna Donna na may-ari ng D&D Collection PH.

Photo credit: Donna Donna Facebook

Isang online ukay-ukay shop sa Sasmuan, Pampanga. Taong 2016 pa nang magsimula siyang magtinda ng mga damit kung kaya naman gamay na gamay na niya ang pagkuha ng mga larawan ng kaniyang mga paninda.

Napaka-creative at eleganteng tingnan ng kaniyang mga kuhang larawan. Ang mga ibinahagi niyang “behind the scenes” sa pagkuha niya ng mga larawang ito ang talagang nagpabilib sa publiko.

Photo credit: Donna Donna Facebook

Sinong mag-aakala na sa labas ng bahay nila niya ito ginagawa? Bandang 2 hanggang 4 ng hapon kung kumuha siya ng mga larawan dahil sa magandang sikat ng araw.

Sa mga oras din na ito ay tulog pa ang kaniyang sanggol. Dagdag pa niya sa kaniyang post ay talagang nae-enjoy niya ang kaniyang ginagawa kung kaya naman hindi niya masyadong nararamdaman ang pagod.

Photo credit: Donna Donna Facebook

Samantala, hindi naman makapaniwala ang maraming mga netizens na ang kuha niyang mga larawan ay sa labas lamang ng kanilang tahanan kinuha gamit ang kaniyang cellphone. Nagsilbi rin siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan na nagnanais magkaroon ng sarili nilang kabuhayan kahit nasa loob lamang sila ng kanilang tahanan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media