Connect with us

Viral

Nakakakilig na “lovestory” nina Maria Ozawa at Jose Sarasola, nagsilbing inspirasyon sa maraming mga netizens!

Avatar

Published

on

Nagkakilala sina Jose Sarasola at Maria Ozawa sa kaniyang bar na Avenue 75 Sports Bar sa BF Homes, Parañaque noong taong 2017. Wala pa daw masyadong kaibigan noon si Maria at ipinakilala nga sila sa isa’t-isa ng kanilang “common friend”.

Naging magkaibigan sila at kahit pa nga bumalik na sa Japan si Maria ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. Kalaunan ay nagkapalagayan na sila ng loob at naging opisyal na magkarelasyon ng taong 2018.

Ang “first impression” ni Maria kay Jose ay talagang gwapo ito ay makisig. Nang mas makilala pa niya ito ay talaga namang nasabi niya sa kaniyang sarili na gusto niyang magkaroon ng seryosong relasyon kay Jose.


Dahil sa konserbatibo ang maraming mga Pilipino, inulan ng pambabatikos, panghuhusga at pamamahiya sina Jose at Maria dahil sa kanilang relasyon. Hindi lamang mula sa mga Pilipino kundi maging sa mga Malaysians at Indonesians.

Ito ay dahil sa dating trabaho ni Maria. Sa kabila nito ay tinanggap pa rin siya ng buong puso ng mga magulang at buong pamilya ni Jose na labis din naman nilang pinagpasalamat. Dumating din sa pagkakataon na sinabi ni Maria kay Jose na kung darating man ang panahon na sobra na silang maapektuhan ng opinyon ng mga tao tungkol sa kanilang relasyon ay maaari na nilang tapusin ang kanilang relasyon agad agad.

Sagot naman ni Jose ay hindi siya mapipigilan ng kahit ano at kahit sino upang hindi siya nito ipaglaban. Dahil sa Japanese si Maria at Pinoy naman si Jose ay talagang malaki ang “adjustment” na ginawa nila sa isa’t-isa lalo na at maraming kinalakihan si Maria na hindi naman talaga natin nakasanayan na mga Pilipino.

Dumating din sa puntong naranasan nila ang “long distance relationship” o LDR dahil sa kailangang asikasuhin ni Maria ang kaniyang negosyo sa Japan. Dahil dito ay mas naging matatag ang relasyon nila sa isa’t-isa.

Sa ngayon nga ay mahigit tatlong taon na ang kanilang relasyon na mas pinatatatag pa lalo ng panahon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media