Connect with us

Showbiz

Masayang pamilya at simpleng pamumuhay ng komedyanteng si Bayani Agbayani nagsilbing inspirasyon sa publiko!

Avatar

Published

on

Pamilya ang isa sa pinakamatibay na pundasyon ng maraming mga Pilipino. Ang ating pamilya ang nagsisilbing inspirasyon at kasiyahan natin. Mahirap man ang buhay ay palaging nariyan ang ating pamilya upang dumamay at magmalasakit sa atin.

Isa na marahil sa pinakahinahangaang personalidad sa telebisyon ay ang komedyanteng si Bayani Agbayani. Halos 25 taon na rin siyang hinahangaan at minamahal ng publiko.

Hindi na mabilang ang mga nagawa niyang pelikula at programa sa telebisyon. Hindi na rin nakapagtataka na mabigyan siya ng mga parangal at pagkilala dahil sa natatangi niyang pagganap sa mga proyekto niyang ito.

Hindi lamang siya matagumpay na komedyante sa bansa kundi isa rin siyang singer at performer. Siya ang nagpasikat ng “Otso-otso” at iba pang mga kanta na hanggang sa ngayon ay napapakinggan pa natin.


Biniyayaan din siya ng isang masaya at kumpletong pamilya, ito na marahil ang isa sa pinakamagandang tagumpay na ating makakamit sa ating buhay. Hindi lahat ng katulad niyang artista ay binibiyayaan ng isang napakagandang pamilya.

Sa halos dalawang dekadang pagsasama ni Bayani at ng kaniyang misis na si Lenlen ay nabiyayaan sila ng apat na mga anak, sina Maria Thalia, Rosalinda Marie, Mary Mar, at Marian Sabrina. Marahil ay marami ang nagtataka sa mga pangalan na ito ng kanilang mga anak ngunit minsan nang naikwento ni Bayani na talagang paborito ng kaniyang asawa ang Mexican actress at singer na si Thalia kung kaya naman ang mga pangalan ng kanilang mga anak ay hango sa naging mga karakter ni Thalia noon na sina “Marimar” at “Rosalinda”.

Ibinahagi din nilang mag-asawa sa programang “Magandang Buhay” ang ilan sa mga ginagawa nilang paraan upang mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak. Ayon sa kanila ay gumagawa sila ng paraan upang mapalapit ang kanilang mga anak sa kanila kahit gaano pa sila ka-busy sa kanilang mga ginagawa.

Hindi rin nila ginagalaw ang mga cellphones o social media accounts ng kanilang mga anak bilang respeto na rin sa kanilang “privacy”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media