Connect with us

Viral

Mag-inang Indonesian, nagbubuhos ng silver paint sa buong katawan nila upang kumita ng kaunting halaga pangkain nila sa isang araw!

Published

on

Halos lahat tayo ay apektado ng pandemya hanggang sa ngayon. Napakaraming mga bansa pa rin sa buong mundo ang naghihintay na mabakunahan ang kanilang mga mamamayan upang mas bumaba pa ang tiyansa ng pagkalat ng nakakahawa at mapanganib na sakit na ito.

Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin sa atin ang sumusubok at nagsusumikap na makaraos sa araw-araw kahit pa nga marami na rin ang nawalan ng trabaho. Tulad na lamang ng mag-inang ito mula sa Depok, Indonesia.

Hindi nila ikinahihiya ang pagbubuhos nila ng silver paint sa buong katawan magmukha lamang silang “Robot” at makapagtanghal sa lansangan. Ayon sa 29 taong gulang na si Puryanti, ilan lamang sila sa mga taong nagpipinta ng “manusia silver” sa kanilang katawan.

Ito ay upang mapukaw nila ang atensyon ng publiko na siyang magbibigay sa kanila ng kaunting barya sa bawat pagtatanghal na kanilang gagawin. Isa rin kasi ang Indonesia sa mga bansang labis na naapektuhan ng pandemya.

Kasama ni Puryanti ang kaniyang 5 taong gulang na anak at 15 taong gulang na pamangkin na si Raffi. Ang ginagamit nilang pambuhos sa kanilang katawan ay ang “homemade silver paint” na sila mismo ang gumagawa.

Mula ito sa pinaghalong screen-printing powder at mantika. Ito na mismo ang ipapahid nila sa kanilang mga mukha at ibubuhos sa buo nilang katawan.

Nasa tatlong buwan na rin daw nila itong ginagawa at hanggang sa ngayon naman ay wala pa silang nararamdaman na kakaiba o masama sa kanilang pangangatawan. Marami man ang humahamak at nagmamaliit sa kanila ngayon ay hindi nila ito alintana.

Mas nais kasi nilang kumita ng kahit kaunting halaga ng salapi para sa kanilang pagkain at panggastos sa araw-araw. Pangarap din ni Puryanti na makapagsimula ng maliit na negosyo para sa kaniya at sa kaniyang pamilya ngunit sa ngayon ay hindi pa niya ito kaya dahil sa wala pa siyang pera para dito.

Sa kabila nito ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay matutupad din nila ang mga pangarap nilang ito.

Source: DefinitelyFilipino


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media