Connect with us

Showbiz

Luis Manzano nagbahagi ng “good vibes” online matapos niyang magbahagi ng ilang mga larawan ng kaniyang mga magulang at ng sarili niyang larawan noong bata pa siya!

Published

on

Si Luis Philippe Santos Manzano o mas tumatak sa atin bilang si Lucky ay isang 39 na taong gulang na aktor, TV host, VJ, at modelo. Siya ang kaisa-isang anak ng mga batikang aktor at aktres na sina Edu Manzano at Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Photo credit: Luis Manzano instagram

Ang kaniyang mga half-siblings ay sina Ryan Christian Recto sa side ng kaniyang ina at sina Addie at Enzo naman sa side ng kaniyang ama. Miyembro siya ng Tau Gamma Phi at DLS-CSB Romancon Dance Company.

Photo credit: Luis Manzano instagram

Mayroon din siyang pagmamay-ari na isang Taxi Company, ang LBR Transport Inc. Maaalalang taong 2016 pa nang maging magkarelasyon sina Luis at Jessy Mendiola at nito lamang Disyembre 2020 naganap ang kanilang “engagement”.

Tunay nga na isa siya sa pinakahinahangaang personalidad ngayon sa bansa. Sa gitna ng tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagiging natural na komedyante nito.
Sa katunayan ay nagdulot din siya ng “good vibes” sa maraming mga netizens dahil sa naging post niya kung saan nagbahagi siya ng ilang mga lumang larawan ng kaniyang mga magulang. Ayon sa naging caption ni Luis sa post niyang ito, maganda daw ang kaniyang mommy at daddy ngunit ang resulta ay tila ba isa siyang pusit na nakaladkad ng tren.

Photo credit: Luis Manzano instagram

Natawa rin ang marami sa naging komento niyang; “Pambihirang buhay to, hindi kaya nabagsak ako una mukha?” Sa kabila ng nakakatuwang post na ito ni Luis ay marami pa rin ang naniniwala at nagsasabing may angking karisma at angking kagwapuhan talaga siya kahit pa sabihin niyang hindi.

Photo credit: Luis Manzano instagram

Kapansin-pansin din ang malaking pagkakahawig niya sa kaniyang Daddy Edu na kahit pa nga 65 taong gulang na ay talagang makisig at gwapo pa rin. Samantala, marami na ang nasasabik sa pagpapakasal nina Luis at Jessy lalo na ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media