Connect with us

Showbiz

Komedyanteng si Rufa Mae Quinto, kuntento at kumpleto na ang buhay dahil sa kaniyang asawa at anak!

Published

on

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay 42 taong gulang na aktres, komedyante, television host at occasional singer. Nagsimula at nakilala siya noon sa “That’s Entertainment”.

Kalaunan ay nabigyan siya ng proyekto bilang si “Booba” sa programang “Kool Ka Lang”. Nahasa din ng husto ang kaniyang talento sa pagpapatawa sa halos 16 na taon niyang pamamalagi sa longest-running sketch comedy show ng Kapuso network, ang “Bubble Gang”.

Maaalalang taong 2017 nang sumakabilang-network si Rufa kung saan nanatiling manager niya ang beteranong host na si Boy Abunda. Marahil ay hindi na lingid sa publiko na minsan nang na-link sa kaniya sina Dingdong Avanzado at Erik Santos.

Sa kabila ng mga hindi naging matagumpay niyang relasyon ay nakatagpo siya ng tunay na pag-ibig sa kaniyang mister na si Trevor Magallanes, 34 na taong gulang. Ikinasal sila noong ika-25 ng Nobyembre taong 2016. Si Trevor ay isang financial analyst sa Amerika.


Sa apat na taon nilang pagsasama bilang isang mag-asawa ay talagang marami na rin silang napagdaanan. Nariyan na ang pagiging magkalayo nilang dalawa dahil sa mayroong trabaho sa Pilipinas si Rufa habang ang kaniyang asawa naman ay may trabaho din sa Amerika.

Marami ang kinilig ng ibahagi nila sa publiko kung paano nga ba sila nagkakilala. Makailang ulit na ring bumabiyahe papuntang Amerika si Rufa ngunit hindi niya akalain na dito niya pala makikilala ang kaniyang mapapangasawa.

Nagkakilala sila, naging magkaibigan hanggang sa nagkapalagayan sila ng loob. Noon pa man daw ay hinahangaan na ni Trevor si Rufa, dream girl niya ito kung kaya naman masayang masaya siya dahil siya na ngayon ang kaniyang misis.

Napagtagumpayan nilang dalawang ang “long distance relationship” at ngayon nga ay kumpleto nang muli ang kanilang pamilya dahil kasama na nina Rufa at ng anak nilang si Athena si Trevor sa Amerika. Ipinasilip na rin niya kamakailan lamang sa publiko ang naipatayo nilang bahay dito kung saan mas marami pa silang mga alaala na pagsasalu-saluhan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media