Connect with us

Showbiz

KC Concepcion, nais munang magpakasal sa kaniyang minamahal bago magkaroon ng mga anak!

Published

on

Si Maria Kristina Cassandra Cuneta-Concepcion ay 35 taong gulang na aktres, singer, TV host, entreprenyur at “humanitarian”. Ilan sa mga nagawa niyang proyekto noon ay “For The First Time” at “When I Met U”.

Ilan sa mga TV series na kaniyang nagawa ay ang “Lovers in Paris”, “Huwag Ka Lang Mawawala”, at “Ikaw Lamang”. Hindi lingid sa publiko ang naging tampuhan noon nina KC at Megastar Sharon Cuneta dahil diumano sa nararamdaman niyang kalungkutan dahil sa ang kaniyang mga magulang ay mayroon nang mga sarili nilang pamilya.

Nagsimula kasi sa pagiging isang kilalang “love team” ang kaniyang mga magulang noong kabataan nila. Nagpakasal sila ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Dahil dito ay hindi na nakalakihan pa ni KC ang isang tipikal na pamilya kung saan mayroong isang ama at inang gumagabay at sumusuporta sa kanilang mga anak.


Tunay nga na maraming mga Pilipino ang nakaka-relate sa kaniya dahil sa mga pamilyang nasisira dahil sa paghihiwalay ng mga magulang. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit nais na muna niyang magpakasal bago siya magkaroon ng mga anak.

Minsan nang sinagot ni KC ang komento sa kaniya ng isang netizen patungkol sa pagkakaroon ng anak nang minsan siyang mag-post ng larawan niya at ng kaniyang nobyo. Ayon sa naturang netizen ay tiyak na magkakaroon daw sila ng magagandang mga anak dahil sa gwapo ang kaniyang nobyo at maganda rin naman siya.


Agad naman itong sinagot ni KC at sinabing kasal muna ang kaniyang prayoridad bago ang pagkakaroon ng mga anak. Para naman sa kaniyang ina na si Sharon, nais na niyang magpakasal kaagad ang kaniyang anak at magkaroon na siya kaagad ng mga apo sa kaniyang panganay.

Nagbiro pa nga siyang kikidnapin niya ang mga ito. Tunay nga na biyayang maituturing ang mga anak gayundin naman ang kanilang ama at ina na siyang magiging gabay at suporta nila sa kanilang paglaki.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media