Connect with us

Viral

Isang matandang naglalako ng mani sa lansangan, kasa-kasama ang kaniyang aso sa kaniyang munting bisikleta!

Published

on

Mahirap ang buhay natin sa ngayon at talagang hindi na natin maitatanggi na napakarami na rin nating napagtagumpayan na mga pagsubok sa kabila nito. Nakakatuwa lang na sa kabila ng maraming mga kalungkutan at paghihirap sa buhay ay nagagawa pa rin nating mga Pilipino na maging masaya at positibo sa buhay.

Photo credit: Franklin Ramos Mariscal Facebook

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang matandang ito na nagtitinda ng mani sa Cebu City. Hindi tulad ng ibang mga naglalako ng mani na nakapirmi lamang sa isang pwesto, ang matandang tindero na ito ay naglalako mismo sa lansangan tulak ang kaniyang sirang bisikleta.

Nakasakay rin rito ang kaniyang alagang aso na aakalain mong isang batang paslit na kasama ng kaniyang magulang sa pagtitinda. Nakita sila ng netizen na si Franklin Ramos Mariscal habang naglalakad siya sa South Bus Terminal.

Photo credit: Franklin Ramos Mariscal Facebook

Inakala pa niya noong una na simpleng pamamasyal o paglalakad-lakad lamang ang ginagawa ng matanda at ng kaniyang aso ngunit kalaunan ay nalaman niyang naglalako pala sila ng paninda. Dito din niya nakita ng malapitan na sira na pala ang bisikletang gamit ng matanda kung kaya naman tinutulak na lamang niya ito.

Dahil dito ay hindi maiiwasang sumakit ng husto ang likuran niya. Dahil sa naawa talaga ang netizen sa kalagayan ng mag-among ito ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na ibahagi ang kanilang kwento sa social media.

Photo credit: Franklin Ramos Mariscal Facebook

Naging daan naman ito upang maraming mga tao pa ang tumulong sa matanda at sa kaniyang alagang Golden Retriever. May mga netizens na nagparating ng mensahe kay Franklin na nais nilang tulungan ang matanda.

Photo credit: Franklin Ramos Mariscal Facebook

Nais nilang mabigyan ng isang maayos na bisikleta o di kaya naman ay maayos na side car ang mag-amo upang hindi na sila kapwa mahirapan sa kanilang paglalako. Tunay nga na hindi pa rin nawawala ang mga taong mayroong busilak na puso na nagnanais tumulong sa mga taong labis na nangangailangan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media