Connect with us

Showbiz

Ipinasilip sa publiko ni Megastar Sharon Cuneta ang “construction” ng kaniyang napakalaking bahay na hindi raw kayang gibain ng intensity 9 hanggang intensity 10 na lindol!

Avatar

Published

on

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 55 taong gulang na aktres, mang-aawit, host at commercial endorser. Binansagan siyang “Megastar” dahil sa pambihira niyang talento sa pag-arte at pag-awit.

Photo credit: Sharon cuneta, kiko pangilinan and KC Concepcion instagram

Talaga namang hindi na mabilang ang kaniyang mga de kalibreng pelikula at mga konsiyerto. Naging asawa niya ang matinee idol at on-screen love team niya na si Gabby Concepcion at nabiyayaan sila ng isang anak, si KC Concepcion taong 1985.

Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama dahil sa napawalang-bisa ito ng taong 1993. Tatlong taon ang lumipas at muling nagpakasal si Sharon sa pulitiko na si Francis Pangilinan kung saan nabiyayan sila ng dalawang anak na babae at isang “adopted son”.

Photo credit: Sharon cuneta, kiko pangilinan and KC Concepcion instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sharon ang ginagawang “construction” ngayon sa kaniyang napakalawak na bahay. “Forever Home” ang kaniyang tawag sa tahanan niyang ito. Sa video na ibinahagi niya sa kaniyang social media account ay namangha ang marami dahil sa talagang napakalaki at napakalawak ng kaniyang lupa at mayroon na ring kaunting natatapos ang kaniyang mga manggagawa.

Photo credit: Sharon cuneta, kiko pangilinan and KC Concepcion instagram

Halos matatapos na rin daw ang kanilang “basement parking”. Nais nang makita ni Megastar ang kanilang bagong tahanan ngunit ayon sa kaniyang “contractor” ay aabutin pa ng dalawang taon bago matapos ang pagtatayo nito.

Buong pagmamalaki naman niyang inilarawan ang pagiging matibay at pulidong pagkakagawa ng kanilang mga manggagawa. Agosto 2020 nang simula ang bahay na ito ni Megastar at talaga namang masaya din ang kaniyang puso dahil sa kabila ng pandemya ay nakatulong siya kahit papaano sa mga taong nangangailangan ng trabaho.

Mas nagulat pa ang maraming mga netizens nang ibahagi niya na ang bahay nilang ito ay hindi raw kayang gibain ng intensity 9 hanggang intensity 10 na lindol. Gayundin naman ay hindi nakalimutan ng batikang aktres na pasalamatan ang mga taong tumutulong sa kaniyang upang sa wakas ay matapos na ang kanilang pangarap na bahay. Isa na rito ang partner ng kaniyang malapit na kaibigan na si Zsa Zsa Padilla na si Architect Conrad Onglao.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media