Connect with us

Showbiz

Gwapong anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na si Alex Jazz, kinagigiliwan ngayon ng publiko dahil sa karisma nito at angking kagwapuhan!

Published

on

Si Jennylyn Anne Pineda Mercado o mas sumikat bilang si Jennylyn Mercado ay 33 taong gulang na aktres, singer, at songwriter. Siya ang kauna-unahang nanalo bilang “Ultimate Female Survivor” ng reality talent competition na “StarStruck”.

Hindi lamang siya sa mga television series nakilala kundi maging sa natatangi niyang pagganap sa mga pelikula na hanggang ngayon ay talagang pinapanuod pa rin ng publiko. Sa kabila ng tagumpay, pagkilala at mga bagay na tinatamasa niya sa ngayon ay minsan na rin siyang humarap sa matinding pagsubok.

Nagulat ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta nang mapabalita ang naging pagbubuntis niya noon sa anak nila ng dati niyang nobyo na si Patrick Garcia. Sa ngayon ay binatilyo na ang kanilang anak na si Alex Jazz Mercado na lumaki sa kaniyang ina.

Hindi man niya nakasama sa kaniyang paglaki ang kaniyang ama ay pinunan naman ni Jennylyn at ng kaniyang pamilya ang pangungulila nito. Kapansin-pansin sa mga larawan na madalas i-post ni Jennylyn ang malaking pagkakahawig ni Alex Jazz sa daddy niya.

Aakalain pa nga ng marami na siya ang batang bersyon ng kaniyang ama. Samantala, ang mapungay at nangungusap naman niyang mga mata ay namana niya sa kaniyang ina.

Sa edad na 12 taong gulang ay hindi nga maikakailang lumaking gwapo at responsable ang batang ito. Marami din ang nakakapansin sa pagiging close niya sa kaniyang ina at ang napaka-sweet niyang pagyakap at paghalik dito.

Sa ngayon ay maayos na ang relasyon nina Jennylyn at Patrick. Kahit pa nga mayroon na silang kaniya-kaniya nilang karelasyon dahil sa kasal na si Patrick kay Nikka at matagal na ring magkarelasyon sina Dennis at Jennylyn ay nananatili pa rin silang magkatuwang sa pagpapalaki sa kanilang anak na si Alex Jazz.

Tunay nga na nagkamali man tayo noon, tiyak na maitutuwid pa rin natin ito sa pamamagitan ng pagpapatawag at pagrespeto na siyang ginawa ni Jennylyn.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media