Connect with us

Showbiz

First beach trip ni Baby Amari kasama ang kaniyang mga magulang, ibinahagi ni Coleen sa kaniyang social media account!

Published

on

Ang pagkakaroon ng anak ay talaga namang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Hindi matatawaran at hindi kailan man maipaliliwanag ang kagalakan na ating mararamdaman sa oras na maranasan na natin ang maging isang magulang.

Photo credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Hindi man biro ang sakripisyo at mga bagay na kailangan nating pagdaanan sa yugto na ito ng ating buhay ay sadyang napakasarap pa ring balik-balikan ang mga alaala na mabubuo natin kasama ang ating pamilya. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres at host na si Coleen Garcia ang kauna-unahang pamamasyal nila kasama ang kanilang anak na si Baby Amari na nasa apat na buwang gulang na rin sa ngayon.

Photo credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sadyang napakabilis talaga lumipas ng panahon, noon ay sabik na sabik pa lamang ang mag-asawang Coleen at Billy Crawford na makita ang kanilang anak at mahagkan ngunit ngayon ay kasama na nila siyang lumalaki. Kapansin-pansin sa mga ibinahagi ng post ni Coleen ang pag-eenjoy niya sa ilalim ng sikat ng araw at napakaaliwalas na paligid sa harapan pa mismo ng karagatan.

Photo credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Hindi rin naman papahuli ang kanilang munting anghel dahil sa masayang masaya rin ito sa unang beses niyang pagtapak sa buhangin. Kung nakakapagsalita lamang si Baby Amari ay tiyak na tatakbo na ito at maglalaro ng buhangin.

Photo credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Ngunit sa ngayon ay kailangan pa rin niya ang paggabay at pagsuporta ng kaniyang blooming mommy na si Coleen. Si Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford o mas nakilala natin sa screen name niyang Coleen Garcia ay 28 taong gulang na aktres, host at modelo.

Nagsimula siya sa showbiz nilang isang commercial model noong siya ay bata pa. Taong 2014 nang maging magkarelasyon sila ni Billy Crawford na tulad niya ay isa rin sa mga hosts ng “It’s Showtime”.

Photo credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Disyembre 2016 nang maganap ang kanilang engagement at Abril 2018 naman nang sila ay magpakasal. Setyembre 2020 naman ng isilang niya si Baby Amari sa pamamagitan ng “Water Birth”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media