Connect with us

Showbiz

Derek Ramsay nag-post ng “road trip” photos nila ni Ellen Adarna kasama ang anak na si Elias Modesto!

Avatar

Published

on

Hindi magkamayaw ang maraming mga netizens sa ngayon dahil sa bulong-bulungan na nagkakamabutihan na nga sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Una nang sumiklab ang usaping ito matapos magbahagi ng video clip at ilang mga larawan ang kaibigan nilang si Ruffa Gutierrez.

Nang minsan kasing madalaw ang huli sa bahay ni Derek ay nakuhanan niya ng larawan ang dalawa na talaga namang nagtitigan habang nakaupo sa isang mesa. May ilang video din kung saan makikitang komportable si Ellen sa bahay ng aktor kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan.

Nagbahagi din ng ilang mga larawan si Derek kung saan makikita si Ellen at ang kaniyang ama. Makalipas ang ilang mga araw ay nabuking muli si Ellen na nasa bahay siyang muli ni Derek dahil sa nag-imbita itong muli ng ilang mga kaibigan.


Ilang linggo pa ang lumipas at mayroon na namang larawan na nag-viral sa social media kung saan makikitang muli na magkasama ang dalawa sa isang hapag-kainan kasalo ang pamilya ng aktor. At kamakailan nga lamang ay mayroon na namang ibinahaging larawan si Derek sa kaniyang Instagram story kung saan naroon si Ellen Adarna at ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Gigil na gigil ang maraming mga netizens sa mga pangyayaring ito dahil sa inakala nilang magkakatuluyan talaga sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Gayundin naman ay ang naging mapangahas na pagmamahalan nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Maaalalang mayroon pang proyekto ang dalawa noon sa “ABS-CBN” ngunit bigla na lamang silang nawala kung kaya naman talagang naging malaking problema ito ng naturang programa. Karamihan sa mga netizens ay nagsasabing tiyak na napakasakit nito para kina Andrea Torres at John Lloyd Cruz.

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkabilang panig kung tunay ngang may relasyon na silang dalawa o talagang malapit lamang silang magkaibigan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media