Connect with us

Showbiz

Dating sikat na aktres na si Beth Tamayo, naranasang magtrabaho bilang isang “baby sitter”, “cashier” at “waiter” sa Amerika para lamang kumita ng pera!

Avatar

Published

on

Noong bata pa lamang tayo ay tila napakasarap tumatanda at magkaroon ng sarili nating trabaho dahil sa kikita na tayo ng sarili nating pera. Ngunit hindi pala ito ganoon kadali!

Image by Beth Tamayo via Instagram

Nang maranasan na natin maging isang empleyado o di kaya naman ay magpundar ng isang negosyo, hindi pala ganun ganun na lamang ang ating magiging mga responsibilidad. Kakailanganin din nating magsakripisyo, magpuyat at mapagod. Ito ang ilan sa mga naging karanasan ng sikat na artista noon na si Beth Tamayo.

Dekada ’90 nang talagang makilala at sumikat ang kaniyang pangalan dahil na rin sa pambihirang pagganap niya sa mga pelikula at iba pa niyang proyekto noon. Ngunit sa kabila ng kasikatan niyang ito ay agad na lamang siyang nawala sa harapan ng kamera at nanirahan kasama ang kaniyang mister sa ibang bansa.

Image by Beth Tamayo via Instagram

Kasal siya noon sa dati niyang mister na si Johnny Wong nang iwanan niya ang kaniyang karera sa Pilipinas. Nang mga panahon na iyon ay mayroong matinding problema ang kaniyang mister sa pera kung kaya naman agad silang umalis ng bansa at nanirahan sa Estados Unidos.

Nang makapanayam ni Paolo Contis ang 41 taong gulang na aktres sa show na “Just In” ibinahagi nito ang tunay na nangyari sa kanila noon.

Image by Beth Tamayo via Instagram

“Hindi naman natin idi-deny ‘yan. It’s been in the news or whatever, my ex-husband before had a problem; financial problem. So parang dami na ng taong naghahabol sa kanya and parang our lives are actually in danger na. We had to leave. We had to leave in 2009.” Pagkukwento ni Beth.

Image by Beth Tamayo via Instagram

Nang magsimula silang mag-asawa noon sa Amerika ay talagang nahirapan sila at hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Ayon pa sa aktres ay kinailangan niyang magtrabaho bilang isang baby sitter sa isang Colombian family roon, nagtrabaho rin siya bilang isang kahera sa Victoria’s Secret store sa New York at isang server o receptionist.

Sa ngayon ay isa na siyang Executive Assistant sa isang kompanya sa San Francisco at engaged na rin siya sa kaniyang fiancé na si Adam Hutchinson.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media