Connect with us

Viral

Dating matalik na magkaibigan nakahanap ng “forever” sa isa’t-isa at ngayon ay masaya na silang nagsasama bilang mag-asawa!

Published

on

Madalas nating marinig na ang mga taong nagmamahalan pareho man ang karanasan o ang nararamdaman sa tuwing umiibig sila, may kaniya kaniya pa rin silang mga kwento kung paano nga ba sumibol at naging matatag ang kanilang wagas na pagmamahalan. Tulad na lamang halimbawa nina Stella at Ian na naitampok sa segment ng “Eat Bulaga!” na “Bawal Judgemental”.

Sa naging pagbabahagi ni Stella, nasa ikalimang baitang pa lamang sila noon ngunit talagang naging malapit na sila dahil sa sobrang kabaitan ng binata. Dumating ang panahon na kinailangang lumipat ng paaralan ni Ian at naiwanang mag-isa si Stella sa dati nilang paaralan.

Ngunit hindi ito naging dahilan upang mahinto ang kanilang espesyal na pagkakaibigan. Dumadalaw pa rin kasi si Ian kay Stella kahit pa nga nasa magkaibang paaralan na silang dalawa.

Nagkalayo man sila noong nasa hayskul sila ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. Nang sila ay nasa 4th year college na ay napagdesisyunan na ni Ian na ipagtapat ang kaniyang tunay na nararamdaman sa kaniyang BFF.


Noong una ay talagang natatakot daw siyang sabihin ito sa dalaga dahil sa maaaring hindi na magbalik pa ang kanilang pagtrato sa isa’-t-isa o ang kanilang pagkakaibigan. Ngunit hindi rin naman nabigo si Ian dahil sa sinagot na rin siya ng kaniyang pinakamamahal.

Anim na taon pa ang lumipas at saka sila nagpakasal. Sa ngayon ay nasa dalawang taon na silang magkasama bilang mag-asawa. Tunay nga na ang lahat ng bagay ay mapangyayari din sa tamang panahon.

Patunay lamang ito na hindi na kailangan pang madaliin ang lahat ng bagay lalo na pagdating sa pag-ibig dahil kung tunay at wagas talaga ang iyong nararamdaman para sa isang tao ay magiging kayo din sa tamang panahon. Tulad na lamang ng kwentong pag-ibig na ito nina Ian at Stella na nagsisilbing inspirasyon para sa mas maraming mga kabataan.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media