Connect with us

Showbiz

Bestfriend ni Derek Ramsay nagbahagi ng isang sweet na larawan ng dalawa at inilarawan kung gaano ka-inlove si Derek kay Ellen!

Published

on

Hinangaan noon ng publiko ang pag-iibigang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kung saan tila ba kalaban nila ang buong mundo sa kanilang pag-iibigan. Kinailangan kasi nilang itago noon ang bunga ng kanilang pagmamahalan na si Elias Modesto.

Ngunit sa ngayon ay co-parent na lamang ang relasyon nilang dalawa sa isa’t-isa. Nakakalungkot isipin na naghiwalay pa ang dalawa kahit n asana ay maaari na silang makabuo ng sarili nilang pamilya.

Sa ngayon ay nali-link si Ellen Adarna kay Derek Ramsay na nagkaroon din naman ng relasyon kamakailan lamang kay Andrea Torres na inakala rin ng marami na mauuwi sa kasalan. Itanggi man nina Ellen at Derek ay marami na ang nakakahalatang may namumuong pagtitinginan sa kanilang dalawa.

Hindi man nila ito kumpirmahin sa publiko ay ang mga larawan, videos, at posts na nila sa kanilang mga social media accounts ang makapagpapatunay. Minsan nang nakita si Ellen sa bahay ni Derek kung saan madalas silang kumain o mag-bonding kasama pa ang ilan nilang mga kaibigan.


Napadalas din ang pagbabahagi ni Derek ng mga larawan nila ni Ellen kasama ang kaniyang pamilya o di kaya naman ay kasama ang anak ni Ellen na si Elias. Kamakailan lamang ay ilan na namang mga larawan ang pinagkakaguluhan ng publiko sa social media dahil sa ibinahaging ito ni Gerry o nakilala sa username na @mrfreezeice.

Ayon sa naging pahayag niyang ito masaya siyang makita sina Derek at Ellen na magkasama. Tila ba sabay na rin silang nagwo-work-out sa ngayon.

Isa pang larawan ang kaniyang ibinahagi kung saan makikitang nagja-jumping rope ang dalawa ngunit talo raw si Derek dito. Sa isa pang larawan na kaniyang ibinahagi ay makikita ang dalawa na tila ba nagmo-modify sila ng “crunches”.

Mayroon din itong caption na “Perfect Match”. Maraming mga nagsasabing hindi tama ang ginagawang ito ni Derek na matapos makipagrelasyon sa isang babae ay agad agad nang nai-inlove sa isang taong kakakilala pa niya lamang.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media