Connect with us

Showbiz

Aktor na si Michael De Mesa, ipinakilala na sa publiko ang bagong babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso at nagbibigay kulay sa kaniyang mundo!

Avatar

Published

on

Isang batikang aktor at mahusay na kontra-bida si Michael Edward Gil o mas hinangaan natin bilang si Michael De Mesa. Marami na rin siyang nagawang proyekto hindi lamang sa mga pelikula kundi maging sa mga programa sa telebisyon.

Hindi matatawaran ang kaniyang pambihirang talento sa kaniyang napiling larangan. Taong 1978 nang ikasal siya sa dati niyang asawa na si Gina Alajar, isa ring mahusay na aktres at direktor.

Sa 23 taon nilang pagsasama ay biniyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Geoff, Ryan at AJ Eigenmann na katulad ng kanilang mga magulang ay mga mahuhusay ding artista. Hindi man nagtagal ang kanilang pagsasama ay muli namang biniyayaan ng bagong pag-ibig ang aktor sa katauhan ni Julie Reyes-Eigenmann.

Siya ay 47 taong gulang na dancer at choreographer. Malaki man ang agwat ang kanilang edad ay hindi ito naging hadlang upang mahalin nila ng wagas ang isa’t-isa.

Taong 2011 nang sila ay nagpakasal sa Amerika. Isang taon bago ang kanilang kasal ay napagdesisyunan na nilang manirahan sa Amerika ngunit hindi nagtagal ay umuwi rin sila sa Pilipinas taong 2015 dahil sa talagang namimiss nila ang maraming mga bagay dito lalo na ang kanilang mga anak na dito rin nakatira.

Setyembre 2020 ay nagdiwang sila ng ika-9 na taong anibersaryo ng kanilang kasal. Marami naman ang kinilig sa napakatamis na mensahe nila para sa isa’t-isa.

“Happy 9 years MARRIED. Mr. Eigenmann! We can’t be together on this special occasion but I am beaming love, light, and lots of tight hugs your way. I love you so fiercely, truly, dearly, without end. Forever Yours, Julie.” Mensahe ni Julie sa kaniyang mister.

“9/10/11… a very special date for us. The day we made that lifetime commitment with each other. Thank you, my love, for loving me. As I have said before, I will do my very best to make you the happiest woman on earth. You deserve nothing less. Happy wedding anniversary Hana. I love you very much.” Pagbati naman ni Michael para sa kaniyang minamahal na misis.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media