Connect with us

Showbiz

Ai-Ai delas Alas proud na ibinahagi sa publiko ang tagumpay ng kaniyang asawang si Gerald matapos nitong bumili ng isang mamahaling sasakyan!

Avatar

Published

on

Hanggang sa ngayon ay tila hindi pa rin katanggap-tanggap sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga magkakarelasyon na mas matanda ang lalaki kaysa sa kaniyang kapareha o di kaya naman ay mas may edad ang babae kaysa sa kaniyang nobyo o asawa. Marami kaagad ang mapapakibit-balikat at mapapataas ng kilay kapag nalamang magkarelasyon o mag-asawa ang mga ganitong indibidwal.

Kung sa ating bansa ay tila “big deal” pa rin ito, sa ibang bayan ay hindi naman talaga ito pinapansin o ginagawa pang usapin. Ngunit ang masakit pa dito, tila ba sa tuwing makakakita tayo ng pag-asenso sa mga mag-asawang katulad nila ay hindi natin maiiwasang magduda o magtanong kung hindi nga kaya kagagawan ng may edad na asawa o nobya ang tagumpay na ito ng kanilang kapareha?

Tulad na lamang halimbawa ng ibinahaging pagbati ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa kaniyang mister na si Gerald Sibayan, ayon sa post ng batikang komedyante ay talagang nagulat siya ng magpaalam sa kaniya ang mister na nais nitong bumili ng isang sasakyan. Agad namang sinabi ni Ai-Ai na tigilan na niya ang ilusyon niyang ito dahil sa batid naman niyang walang ganoong kalaking pera si Gerald.
Lingid sa kaniyang kaalaman ay nag-iipon na pala ito ng hindi niya nalalaman at talagang labis na nagsusumikap upang mapalago pa ang munti nilang negosyo na Simai King franchisees. Pebrero 15 nang nakabili na nga ng isang Mercedes Benz si Gerald matapos pumayag ng kaniyang pinakamamahal na asawa. Nabanggit din sa mahabang social media post ni Ai-Ai ang “Law of Attraction” na una nang pinaniwalaan ng kaniyang mister bago pa man niya maisakatuparan ang kaniyang pambihirang plano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Tunay nga na kung talagang gugustuhin at nanaisin ng iyong puso ay walang imposible sa iyo. Lahat ng mga bagay ay kayang-kaya mong maisakatuparan lalo na kung ikaw ay masipag, determinado, at madiskarte sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media