Connect with us

Viral

Xian Gaza binigyan ng Php10,000 ang kaniyang kaibigan na minsang nagpahiram sa kaniya ng Php1,000 ng mga panahong Php2 na lamang ang kaniyang pera!

Avatar

Published

on

Marahil marami pa rin ang nakakakilala sa businessman at internet personality na si Xian Gaza dahil sa imbitasyon niya noong taong 2017 sa aktres na si Erich Gonzales sa isang coffee date na talagang ipinagawa pa niya ng “billboard”. Gayundin naman ang “ligaw efforts” niya kay Ella Cruz noong 2016.

Muli siyang gumawa ng ingay nang maghiwalay sina James Reid at Nadine Lustre noong Pebrero 2020 dahil sa “Bouquet of Mustang” na nais niyang iregalo sa dalaga. Ayon sa kaniya ay nais lamang niyang maging “acquaintance” ni Nadine at wala nang hihigit pa roon.


Nilinaw din niyang hindi niya binibili ang aktres o maging ang kaniyang pagkakababae dahil sa talagang kaya lang niyang bumili ng ganito kamahal na regalo para sa babaeng napakalaki din ng halaga para sa kaniya. Para sa maraming mga netizens, talagang napakayabang at napakapapansin ng ugali ni Xian ngunit para naman sa iba ay walang masama rito dahil sa nagpapakatotoo lamang siya ng mga panahong iyon.

Kamakailan lamang ay muli na naman siyang pinag-usapan ng publiko dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob sa kaniyang kaibigan na dating tumulong sa kaniya. Nagbahagi siya ng ilang mga “screenshot” kung saan makikita ang naging pag-uusap nila.

Ayon kay Xian ay Php2 na lamang ang kaniyang pera kung kaya naman nagbabakasakali siyang makahiram ng Php1,000 sa kaniyang kaibigan para sa tatlong araw niyang gastos at tiyak na babayaran din niya ito kaagad pagdating ng kaniyang inaasahan. Hindi naman binigo ng kaniyang kaibigan na si Vhan Francisco si Xian at agad niya itong pinahiram.

Sinong mag-aakala na ang pangyayaring ito ay tatatak kay Xian at talagang hindi niya ito nakalimutan. Labis namang nagpasalamat si Vhan dahil sa regalong natanggap mula sa kaniyang kaibigan.

Tunay nga na maging aral sana ito sa marami sa atin lalo na sa mga taong tila nakakalimot magbayad ng nahiram nilang utang sa kaibigan man, katrabaho o kamag-anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media