Connect with us

Viral

Sobrang pagkabigo at kalungkutan ang mababanaag sa mga mata ng Pitbull na ito nang mapagtanto niyang inabandona na talaga siya ng kaniyang mga amo!

Avatar

Published

on

Ang pag-aalaga at pagpapalaki ng isang alagang hayop ay talagang nangangailangan ng pagsasakripisyo at mabigat na responsibilidad. Mayroon din kasi silang buhay na dapat nating ingatan at pangalagaan.

Hindi lamang pagkain at tubig ang dapat ibigay sa kanila kundi maging ang ating atensyon at pagmamahal. Higit pa sa pagiging isang kaibigan, pamilya na ang turing natin sa kanila.

Biro pa nga ng ibang mga Pilipino, mas mahal pa ang pagkain, bitamina at mga gamit ng mga mahal nating alaga kaysa sa mismong pagkain at pangangailangan nila. Kung kaya naman talagang nakakapanlumo na makakita ng mga alagang hayop na inabandona ng kanilang mga amo.

Halimbawa na lamang ang isang Pitbull na ito na apat na taong gulang na. Kapansin-pansin sa viral nitong video na kuha ni Lolys Menchaka na tila ba emosyonal at labis na pagkabigo ang naranasan ng asong ito.


“Electra” ang pangalan ng Pitbull at nang maisip niyang siya ay nasa loob pala ng isang “shelter” tila nanlumo ang kaniyang hitsura at nais humagulgol sa pag-iyak na animo’y isang tao. Marahil ay naramdaman niyang hindi na kailan man babalik pa ang kaniyang mga amo dahil sa inabandona na siya ng mga ito.

Dahil sa nangyari ay pansamantala muna siyang kinupkop ni Adriane Silvano sa kaniyang tahanan. Talaga namang napakabait at napakalambing ni Electra, maging ang iba pa niyang mga alaga ay nakasundo rin nito kaagad.

Hindi katulad ng dati na tila malungkot at walang gana sa lahat ng bagay, mas naging masigla at makulit si Electra kung kaya naman hindi na siya hinayaan pang mag-isa ni Adriane. Kinupkop na niya ito ng buong puso at itinuring na bahagi ng lumalaki niyang pamilya.

Tunay nga na hindi lamang mga tao ang nakakaramdam ng matinding depresyon kundi maging ang mga hayop na ito na marunong ding magmahal at makaramdam ng kabiguan lalo na kung sila ay basta basta na lamang inabandona ng kanilang minamahal.

Source: Zoorprendente


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media