Connect with us

Viral

Princess Beatrice, tinagurian siyang pinakamagandang prinsesa sa buong mundo at ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit!

Published

on

Ang maging isang prinsesa, ang makatagpo ng iyong prinsipe ang ilan lamang sa mga pangarap ng maraming mga batang babae noon. Bagamat batid naman nating lahat na napakaimposible nitong mangyari lalo na sa panahon ngayon, marami pa rin naman ang umaasa at naniniwalang balang araw ay magiging isa silang prinsesa at makikilala din nila ang kanilang mga prinsipe.

Photo credit: bomb01

Lingid sa kaalaman ng maraming mga kabataan sa ngayon, totoo talaga ang mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa na noon ay sa mga pelikula o programa sa telebisyon lamang natin nakikita. Halimbawa na lamang sa Britanya at iba pang mga bansa.

Photo credit: bomb01

Marahil ay minsan na rin nating napanuod sa mga balita ang mga miyembro ng “Royal Family”. At gayundin naman ay ang tinaguriang “world’s most beautiful princess” ng Monaco na si Princess Beatrice Borromeo.

Photo credit: bomb01

Talaga namang napakaganda niya at literal na mukha siyang prinsesa. Ang 34 na taong gulang na si Princess Beatrice ay ikinasal kay “Prince Pierre Casiraghi of Monaco” noong taong 2015.

Ang napakagandang prinsesa ay isinilangh sa Italya at talagang kilala ang kanilang pamilya sa pagkakaroon ng napakaraming mga ari-arian at mataas na estado sa lipunan. Samantala, nasa ika-limang pwesto naman si Prince Pierre sa listahan ng “world’s 10 most handsome princes”.

Photo credit: bomb01

Minsan nang inamin ng prinsipe na marami na rin siyang nakilala at nakarelasyon noon ngunit nang makilala niya si Princess Beatrice ay talagang nabihag na nito ang kaniyang puso. Anim na taon din silang naging magkasintahan bago sila nagpakasal at sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak na lalaki.

Higit pa sa nakakabighaning kagandahan ni Princess Beatrice ay talaga namang bibilib ka din sa kaniyang mga naging tagumpay. Siya ay mayroong “double degree” sa “Law” at “Economics” sa Boconi University at “master’s degree in Journalism” naman mula sa Columbia University.

Kahit pa kasal na siya sa isang prinsipe ay nagtrabaho pa rin siya noon bilang isang mahusay na “journalist”.
“I’m a journalist and I have the salary of a journalist,” Pahayag ng prinsesa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media