Connect with us

Viral

Nakakaantig na mensahe sa isang tissue na iniwan ng customer ng isang sikat na fast food chain, umantig sa puso ng mga crew at ng mga netizens!

Published

on

Nakasanayan na ng maraming mga Pilipino ang magdiwang ng kaarawan at mga espesyal na selebrasyon sa pamamagitan ng serbisyo ng mga sikat na “fast food chain”. Mas kombinyente kasi talaga at wala ka nang aalalahanin pa sa handang pagkain, venue, mga dekorasyon at iba pang mga kagamitan ang mga magulang kung kaya naman talagang patok na patok ito lalo na sa mga bata.

Pagdating naman sa mga dalaga at binate, marami sa kanila ang nakasubok nang magtrabaho sa mga ganitong establisyemento lalo na para sa mga “working students”. Maaaring maging service o kitchen crew na mayroong “flexible working hours” depende sa “availability” ng isang working student.

Hindi rin naman papahuli ang mga matatanda o ang mga “young-at-heart” dahil madalas ay kape o mainit na tsokolate ang kanilang dinadayo sa mga lugar na ito at madalas ay nabibigyan pa sila ng libreng diyaryo. Tunay ngang lahat ng edad ay kayang kayang pagsilbihan ng mga kilalang fast food restaurants sa ating bansa.


Hindi na nakapagtataka na maging ang isang costumer nilang ito na mayroon palang mabigat na pinagdaraanan ay ganoon na lamang ang kalungkutan dahil sa nangyari sa kaniya. Hindi sinasadyang natagpuan ng service crew na si Mark Noguera ang isang tissue na ito na mayroong mensahe mula sa isa sa kanilang mga parokyano.

Ayon kasi sa nakasulat dito ay iyon na pala ang huling beses na makakakain siya ng paborito niyang produkto ng naturang fast food chain dahil sa sinabihan na siya ng kaniyang doktor na huwag nang kumain pa ng mga pagkaing hindi masustansiya. Natuklasan kasi niyang mayroon pala siyang malubhang karamdaman, kanser.

Kung kaya naman ang dalangin niya ay gumaling na siya kaagad upang hindi niya masyadong kapanabikan ang mga paboritong pagkain niya dito. Tunay ngang kaniya kaniya tayo ng dinadalang problema at alalahanin sa buhay ngunit hindi natin dapat kalimutang posible na mas mabigat ang problema ng ilang mga taong nakapaligid sa atin kung kaya naman huwag na huwag natin kalimutang maging mabuti sa ating kapwa sa araw-araw.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media