Connect with us

Viral

Nagtayo ng isang isla ang lalaking ito gamit lamang ang mga plastik na bote, nagtanim siya ng mga puno at tatlong palapag na bahay na gawa sa mga shells sa islang ito!

Published

on

Ang hindi wastong pagtatapon ng mga basura at ang madalas na paggamit ng mga plastic ang ilan lamang sa mga dahilan kung kaya naman patuloy na lumalala ang problema natin pagdating sa mga basura sa ating kapaligiran. Nakakalungkot lamang na hanggang sa ngayon ay marami pa ring hindi matauhan sa perwisyong dulot ng mga plastik na ito sa ating kalikasan at lalo na sa ating kinabukasan.

Image via Richart Sowa Facebook

Ayon sa ilang mga ulat, ang mga plastik daw ay aabutin pa ng 450 taon bago tuluyang mabulok. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagnanais ng Environmentalist at Architect na ito na si Richard Sowa na gumawa ng kapakipakinabang na bagay mula sa mga plastik.

Image via Richart Sowa Facebook

Higit sa 100,000 mga bote ang kaniyang nagamit upang magawa ang kaniyang man-made island na tinawag niyang Joyxee Island. Maniniwala ba kayong ito ay gawa sa plastik?

Image via Richart Sowa Facebook

Matatagpuan ang pambihirang isla na ito malapit sa Mexican Island ng Isla Mujeres. Sa edad na 61 taong gulang ay talagang masayang masaya na siya sa kaniyang naimbentong tahanan.

Image via Richart Sowa Facebook

Noon pang 2008 nang manirahan siya sa artificial island na ito. Hindi naging madali para kay Richard ang lahat dahil sa ilang mga isla rin ang ginawa niya noon ngunit hindi ito naging matagumpay.

Image via Richart Sowa Facebook

Madalas kasi na nasisira na lamang ito ng matinding bagyo o di kaya namab ay matinding alon ng karagatan. Ngunit sa ikatlong pagkakataon ay nakagawa na siya ng halos 25 metrong isla na kahit ipo-ipo ay hindi madaling masisira.

Ang isla ay gawa sa kawayan na mayroong “wood pallets”, buhangin at mga plastik na bote na pinagsamasama sa iisang net upang mapalutang ang isla. Ang isla na ito ay maaari din palang ilipat sa iba’t-ibang lugar.

Image via Richart Sowa Facebook

Nakapagtanim na din siya ng ilang mga puno at halaman na madalas niyang kinakain dahil siya ay isang “vegetarian”. Nakapagpatayo na rin siya ng tatlong palapag na tirahan sa kaniyang “floating island”.

Mayroon itong dalawang kwarto, kusina at tatlong paliguan. Mayroon din siyang air conditioner, refrigerator at wave-powered washing machine.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media