Connect with us

Viral

Mag-amang pulubi na iniiwasan at pinandidirihan ng marami, tinulungan at pinakain ng isang babae sa sikat na fast-food chain!

Avatar

Published

on

Ang pagtulong sa ating kapwa lalo na kung walang nakatingin na kahit sino ay talaga namang nakakaantig ng puso. Dahil sa modernong teknolohiya ngayon, sa internet, social media at sa marami pang mga pamamaraan upang makuhanan ng larawan, video o di kaya naman ay mai-record ang kabutihang ginagawa ng isang tao, mas maraming mga taong nagnanais tumulong sa kanilang kapwa.

Marahil dahil gusto lamang nilang sumikat, hangaan at kabiliban kung kaya naman ganoon na lamang ang kanilang mga ginagawa. Ngunit kakaiba ang ginang na ito na talagang tumulong sa mag-amang pulubi na ito kahit pa nga halos lahat na ng mga tao ay nandidiri at umiiwas sa kanila.

Naramdaman at napansin niyang gutom na gutom na ang mag-ama kung kaya naman agad niya itong pinapasok sa isang sikat na fast food chain kung saan siya umorder ng kanilang makakain. Inasikaso pa niya talaga ang mga ito ay kalaunan ay inabutan ng kaunting halaga ng pera upang mayroon silang pamasahe pauwi sa kanilang lugar.


Ang netizen na siyang nagbahagi ng nakakamanghang kwento na ito ay walang iba kundi si Alexiefe Sulit Cataquiz. Isa siya sa mga taong naroroon ng mga oras na iyon at napansin niya kung paano tratuhin ng ibang tao at ng babaeng ito ang mag-ama.

Talaga namang nakakahabag ang kanilang kalagayan ngunit sa halip na iwasan ay agad silang tinulungan ng hindi pa nakikilalang babae. Marami namang mga netizens ang nagbahagi ng kaniyang labis na paghanga sa babae dahil sa ginawa nitong pagtulong sa mag-ama.

Tunay nga na marami sa atin ang hirap sa buhay lalo na ngayon at pandemya. Sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdaanan ay marami pa rin palang mga taong nagnanais pa ring tumulong sa mga nangangailangan sa abot ng kanilang makakaya.

Isa itong napakagandang aral at inspirasyon sa ating lahat na hindi mo naman kinakailangang maging artista, pulitiko o mayaman para lamang makatulong sa iba. Sa mga simple at malilit na bagay na ito ay tiyak na nakakagawa ka na ng kabutihan sa iyong kapwa na tiyak na makakapagdulot din sa iyo ng mas maraming mga pagpapala sa hinaharap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media