Connect with us

Viral

Isang negosyante sa Bacolod, palaging mayroong nakahandang “buffet” para sa mga pusang kalye na talaga namang kinagigiliwan ngayon ng maraming mga tao!

Avatar

Published

on

Mahirap ang buhay at talagang araw-araw ay marami tayong mga pagsubok na nararanasan. Ngunit sa kabila ng maraming beses na paghihirap at pagsasakripisyo, hindi pa rin nawawala ang pagiging positibo at matatag nating mga Pilipino.

Kahit pa nga gaano kahirap ang buhay ay talagang marami pa rin sa atin ang hindi humihinto sa pagtulong sa kapwa nating labis na nangangailangan. Ngunit higit pa pala rito ay mayroon ding ilang indibidwal na tumutulong pa mismo sa mga hayop na nangangailangan ng pagkalinga.

Si Sheryn Cawit ay nakatira sa Bacolod. Mayroon siyang negosyong “feed store” malapit sa Libertad Market kung saan “open” ang kaniyang pa-“buffet” para sa mga pusa o asong kalye na maliligaw sa kanilang lugar.


Hindi kasi nila binubugaw ang mga hayop na nagnanais kumain sa kanilang tindahan, hinahayaan lamang nila itong kumakain hanggang gusto nila. Kahit pa ng mamahaling “dog food” o “cat food” ang kanilang kainin ay walang kaso para kay Sheryn.

Ayon sa naging pahayag ni Sheryn, masaya siyang ibahagi ang lahat ng pagpapalang natatanggap niya at ng kaniyang pamilya sa ganitong pamamaraan. Ayon sa naging ulat ng ABS-CBN news noon ay mayroon ang 13 mga puso ang kinupkop niya, dalawa sa mga ito ay mayroon nang umampon.

Naniniwala siyang swerte ang hatid sa kaniyang negosyo ng mga pusang ito kung kaya naman hanggang ngayon ay hinahayaan lamang niya ang mga ito na mag-enjoy sa kanilang “unlimited cat foods”. Maging ang “animal welfare group” na BACH Project PH ay humanga din sa ginagawa niyang pagtulong sa mga hayop na ito.

Tunay nga na mas maraming mga tao ang nagkakaroon ng pagmamalasakit hindi lamang sa mga hayop, sa ating mga likas yaman kundi maging sa atin mismong kapaligiran. Ito ang isa sa mga tungkulin nating mga tao, ang mangalaga at magprotekta sa mga likha ng Diyos na may buhay din tulad natin.

Source: Abscbn


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media