Connect with us

Viral

Isang “Nanny” ang nakuhanan ng larawan habang kasama ang isang pamilya sa isang kainan ngunit hindi siya maaaring sumabay sa kanilang kumain!

Avatar

Published

on

Bawat bansa, bawat lahi ay mayroong kaniya kaniya nilang mga kaugalian at tradisyon na talaga namang iginagalang ng maraming mga indibidwal. Halimbawa na lamang ang nakaugalian nating mga Pilipino na mag-alok sa ating mga bisita, kapitbahay at kaibigan ng makakain lalo na kung maabutan nila tayong nasa harapan ng hapag-kainan at kumakain kasama ang ating pamilya.

Madalas maririnig natin ang mga salitang “Kain po kayo.”, “Halika na at sumabay ka nang kumain.” Nakakataba ng puso hindi ba? Tila ba inaalala nila ang iyong presensiya at nagpapakita sila ng pagrespeto sa iyo.

Ngunit hindi rin naman natin dapat kalimutan na maaaring sa ibang mga bansa ay hindi ito ang nakaugalian o nakagisnan ng mga tao roon. Sa kabila nito ay talagang masakit pa rin makakita ng mga taong tila ba hindi ginagalang o hindi nabibigyang halaga.

Sa ilang mga larawan na kumakalat sa Facebook ay talagang umantig sa puso ng marami ang larawang ito ng isang mag-anak na masaya at maganang kumakain. Mayroong ina, ama, anak at lola sa larawan.


Gayundin naman ay kapansin-pansin ang isa pang babae na tila ba kasambahay nila o “nanny” ng kanilang anak. Wala kasi siyang kinakain ng mga oras na iyon at tila hindi talaga umorder ng pagkain para sa kaniyang ang kaniyang mga amo.

Talaga namang marami ang mga netizen na nakapansin sa sitwasyong ito ng babae. Napakarami ang nagalit at talagang napakakunot ang noo dahil rito. Hindi kasi katanggap-tanggap ang ganitong klase ng pagtrato lalo na sa ating mga Pilipino.

Kahit ano pa man ang estado ng buhay ng isang tao o edukasyon na kaniyang natapos, nararapat pa rin silang irespeto at igalang dahil sa sila ay tao rin naman na nasasaktan at nahihirapan. Kung kaya naman hindi natin dapat kalimutan na itrato ng maayos ang ating mga kasambahay at mga katuwang sa ating tahanan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media