Connect with us

Viral

Isang cute na tuta, lumapit sa isang pulis na tila ba nakikiusap na ampunin siya nito!

Avatar

Published

on

Marahil nararamdaman ng maliit na tuta na ito na magiging ligtas siya sa poder ng isang pulis na ito kung kaya naman hindi na niya ito iniwanan at tila ba nakikiusap itong ampunin na siya ng magiting na pulis. Ang napakacute na tuta ay isang tuta na inabandona sa magulong lansangan ng Los Angeles.

Image credit: LAPD Hollywood Division

Nang minsan niyang makita ang dalawang mga pulis na sina Mercado at Tavera mula sa LAPD ay agad itong lumapit sa kanila at napakaamong lumapit sa kanilang mga paanan. Naging malapit ang asong ito kay Officer Mercado na kalaunan ay pinangalanan na nitong Hobart.

Image credit: LAPD Hollywood Division

Ito ang pangalan ng kalye kung saan nila siya unang nakita. Makalipas ang ilan pang mga oras ay tila ayaw nang humiwalay ni Hobart kay Officer Mercado at talagang palagi niya itong sinusundan saan man ito magpunta.

Image credit: LAPD Hollywood Division

Nang mapansin ito ni Officer Mercado ay tila ba nahabag at nag-alala siya sa kalagayan ni Hobart. Napakaliit kasi nito at napakalawak naman ng kalye kung saan ito namamalagi.
Hindi imposibleng mapahamak ito o masawi. Kinausap ni Officer Mercado si Officer Tavera kung maaari nilang dalhin si Hobart sa kanilang estasyon.

Image credit: LAPD Hollywood Division

Pumayag naman ito at agad na silang sumakay sa kanilang sasakyan. Habang nasa sasakyan ay talaga namang tahimik na tahimik si Hobart at pasulyap-sulyap sa dalawang pulis na tila ba nagpapasalamat sa pagkakaligtas ng mga ito sa kaniya.

Nag-imbestiga ang dalawang mga pulis patungkol sa posibleng pamilya o tagapag-alaga ni Hobart ngunit napag-alaman nilang inabandona na pala ito. Nagdesisyon silang mahanapan ng bagong pamilya si Hobart kung kaya naman dinala nila ito sa isang “animal shelter”.

Image credit: LAPD Hollywood Division

Agad namang nag-viral ang kanilang mga larawan kung saan nagbigay suhestiyon ang mga netizens na si Officer Mercado na lamang ang mag-alaga sa kaniya dahil sa malapit naman sila sa isa’t-isa. Magandang ideya ito ayon kay Officer Mercado kung kaya naman agad niyang kinupkop ang munting tuta na kalaunan ay nagawaran din ng “Honorary K-9 title”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media