Connect with us

Viral

Isang beauty queen titleholder, lumuhod sa kaniyang ina na isang “garbage collector” upang ipakita ang kaniyang matinding respeto at pasasalamat para sa lahat ng ginawa nito para sa kaniya!

Published

on

Hinangaan ng maraming mga tao ang beauty queen titleholder na si Khanittha “Mint” Phasaeng, 17 taong gulang mula sa bansang Thailand dahil sa pinakita nitong respeto sa kaniyang mahal na ina. Ayon sa ilang mga ulat ay siya ang nag-uwi ng korona sa beauty pageant na “Miss Uncensored News”.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Ibinahagi niya rito ang pagiging isang “garbage collector” ng kaniyang pinakamamahal na ina. Hindi niya raw ito kinahihiya dahil sa isa naman itong marangal na gawain. Sa katunayan ay siya pa mismo ang tumutulong sa kaniyang ina upang makapangolekta sila ng mas maraming mga basura.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Labis labis ang naging pasasalamat niya sa kaniyang ina dahil sa matinding sakripisyo at pagsusumikap nito para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya. Higit pa rito ay hindi nagdalawang-isip ang kaniyang ina na gamitin ang perang naipon nito para lamang makasali siya sa naturang kompetisyon.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Minsan nang ipinahayag ni Khanittha na handa pa rin siyang tulungan ang kaniyang ina sa pangongolekta ng mga basura kahit pa nga ayaw ng kaniyang ina na ginagawa niya ito. Sa kabila ng nakakamanghang kwentong ito ni Khanittha ay nagkaroon ng usap-usapang babawiin diumano sa kaniya ang kaniyang korona at maging ang “cash” na kaniyang napanalunan dahil sa maling impormasyon na inilagay niya sa kaniyang “form” ng sumali siya sa kompetisyon.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Sa “educational background” niya kasi ay nakasulat na Mathayom 6 (Grade 12) ang kaniyang inabot nang siya ay 17 taong gulang. Ngunit ang totoo pala ay Mathayom 3 lamang ang kanyang inabot.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Agad namang humingi ng paumanhin sa nangyari si Khanittha at sinabing ang tiyuhin niya ang nagsagot ng form na ito para sa kaniya at wala silang anumang intensyon na madaya ang ano mang impormasyon dito. Babawiin sana ng mga “organizers” ang kaniyang korona at ang napanalunan niyang “cash” ngunit napagdesisyunan nilang hindi na lamang ito ituloy.

Nais kasi nilang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng kababaihan na sumali sa beauty pageant na ito ano man ang estado nila sa buhay at natapos sa kanilang pag-aaral.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media