Connect with us

Viral

Beauty Queen, lumuhod sa harapan ng kaniyang ina dahil sa labis na pagpapasalamat sa lahat ng naging sakripisyo at pagsuporta nito sa kaniya sa kabila ng kanilang mahirap na buhay!

Avatar

Published

on

Hindi biro ang maging isang ina. Sa oras na naging isang ina ka na ay hindi ka na mabubuhay pa para lamang sa sarili mong kapakanan.

Magiging prayoridad mo na kasi ang buhay ng iyong anak. Palagi mo nang uunahin ang kaniyang kaligtasan, kasiyahan at ang magiging katagumpayan niya sa buhay.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Marahil ito ang dahilan kung kaya naman ganoon na lamang ang pagrespeto at pagmamahal ng beauty queen na si Khanittha “Mint” Phasaeng sa kaniyang mahal na ina. Si Khanittha ay17 taong gulang na dalagang mula sa bansang Thailand.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Siya ang nagwagi sa “Miss Uncensored News” kung saan niya ibinahagi ang pagiging isang “garbage collector” ng kaniyang ina. Mahirap ang trabaho niyang ito ngunit kailan man ay hindi nagreklamo ang kaniyang ina.

Talagang nagsusumikap at nagtitiyaga sa buhay ang kaniyang ina upang masuportahan ang kaniyang pamilya. Nasaksihan ni Khanittha ang lahat ng pagpapagal ng kaniyang mahal na ina kung kaya naman nang magwagi siya sa naturang patimpalak ay talagang nagpasalamat siya sa kaniyang ina na inilaan pa ang buong ipon nitong pera makasali lamang siya sa beauty contest na ito.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Ayon kay Khanittha, kahit pa nga nakapag-uwi na siya ng korona ay tutulungan pa rin niya ang kaniyang ina na mangolekta ng basura kahit pa nga ayaw niyang pumayag. Para sa kaniya ay hindi pa rin ito sapat upang masuklian ang lahat ng ginawa ng kaniyang ina para sa kaniya.

Pagkatapos ng tagumpay ni Khanittha ay mayroong ilang mga taong kumakausap sa kaniya patungkol sa kaniyang pag-aartista kung sakali. Sa kabilang banda ay nakatanggap siya ng hindi magandang balita patungkol sa pagbawi dapat sa kaniyang korona at maging sa “cash prize” na kaniyang natanggap sa kaniyang pagkapanalo.

Khanitta Phasaeng / Photo credit: Finance Twitter

Ito ay dahil sa hindi tamang impormasyon na nailagay sa kaniyang form kung saan ang nakalagay ay nakapagtapos siya ng Mathayom 6 (Grade 12) noong siya ay 17 years old ngunit ang totoo ay Mathayom 3 lamang ang kaniyang natapos. Nilinaw naman niyang ang tiyuhin niya ang nagsulat ng impormasyon na iyon at hindi na naipa-check pa sa kaniya.

Wala din silang intensyon na mandaya ayon sa dalaga. Napagdesisyunan naman ng komite na hindi na bawiin sa kaniya ang kaniyang mga napanalunan dahil nais ng organisasyon na bigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga kababaihan na nais sumali sa pageant ano man ang kanilang estado sa buhay o natapos sa kaniyang pag-aaral.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media