Connect with us

Showbiz

Yasmien Kurdi, itinuro sa kaniyang anak na si Ayesha ang paggamit ng palayok sa pagluluto!

Published

on

Tayong mga Pilipino, talagang malapit tayo sa ating mga magulang noon pa man. Natural na sa maraming mga pamilya ang magsama-sama sa iisang bahay at doon ay bumubuo sila ng masasaya nilang mga alaala.

Minsan ay kasama rin ang mga lolo at lola, tito at tita, sa iisang hilera ng mga bahay. Mas nagiging malapit ang bawat isa sa ganitong uri ng pamumuhay.

Marami din sa atin ang bata pa lamang ay tinuturuan na ng ating mga magulang. Ang ating mga magulang ang pangunahin nating mga guro. Hindi na nakapagtataka na sa paglipas ng panahon, marami pa ring mga magulang ang nagsusumikap na turuan ang kanilang mga anak.

Tulad na lamang ng aktres na si Yasmien Kurdi. Nang magtungo sila ng kaniyang anak at asawang si Rey Soldevilla Jr. sa Antipolo City ay dito niya sinubukang turuan si Ayesha na gumamit ng palayok sa pagluluto.

Nagtungo ang buong pamilya sa Camp Jony na matatagpuan sa Sitio Binayoyo, San Jose, Antipolo. Sa vlog ng aktres ay ipinasilip nila ang kanilang “mom and daughter moment”.

Nagluto sila ng “Misua Bola-bola with Patola” sa isa sa mga bahay kubo rito. Bagamat unang beses lamang itong gawin ni Ayesha ay game na game naman siyang kumasa sa hamon ng kaniyang ina.

Gumamit sila ng palayok sa kanilang pagluluto. Sa ngayon ay wala na masyadong gumagamit nito dahil sa isa ito sa mga lumang kasangkapan o kagamitan natin sa pagluluto.

Tuwang-tuwa din naman si Ayesha sa ginawang pagtuturo sa kaniya ng kaniyang ina. Napakagandang halimbawa nito para sa maraming mga magulang at kabataan ngayon na sa gitna ng pandemya ay maaari pa rin palang mag-enjoy at matuto.

Napakasarap makita ang mag-ina na nag-eenjoy sa kanilang ginagawa. Tunay nga na kapag ikaw ay anak na babae, tiyak na marami kang matutunan sa iyong anak pagdating sa pagluluto at sa iba pang mga gawaing bahay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media