Connect with us

Viral

TikTok video ng mag-amang Jeric Raval at Vanessa, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Si Jeric Raval ay isang kilalang aktor noong dekada ’90. Siya ay 46 na ngunit hindi maipagkakaila na marami pa rin ang humahanga sa pagiging matipuno at makisig niya. Tunay nga na hindi niya pinabayaan ang kaniyang katawan at kalusugan.

Ngunit tulad ng ilang mga sikat na artista noon ay marami ding kontrobersiya ang kinasangkutan niya. Marami ding mga babae ang na-link sa kaniya at hindi rin alam ng publiko na bago pa man siya sumikat sa showbiz ay mayroon na siyang asawa, si Holiday Buensuceso kung saan siya ay mayroong apat na mga anak.

Bukod pa sa kaniya ay mayroon pang ilang nakarelasyon ang aktor tulad na lamang nina Monica Herrera at Alyssa Alvarez. Nagkaroon siya ng 14 pang mga anak sa mga naging karelasyon niya noon.

Sa kabila nito ay tinatanggap, minahal at sinuportahan pa rin siya ni Holiday kung kaya naman labis din siyang nagpasalamat sa kaniya hanggang sa ngayon. Naging malapit din si Jeric sa kaniyang mga anak na babae at lalaki.


Magkakakilala rin ang mga ito ay talagang close sa isa’t-isa. Isa sa mga anak ni Jeric, si AJ Raval ang gumagawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz.

Marami na rin ang humahanga sa dalaga dahil sa angking kagandahan at kaseksihan nito. Maliban kay AJ ay marami din ang humahanga sa kapatid niyang si Vanessa. Si Vanessa ay maraming tagahanga sa TikTok.

Nang minsan siyang magbahagi ng video nilang mag-ama rito ay talagang kinagiliwan ito ng mga netizens. Sa naturang video ay magpapa-picture dapat si Vanessa nang ang tanging suot lamang ay isang bra.

Marami naman ang natuwa sa reaksyon ng action na star na sinabing “Huwag namang ganyan yung bra!” Si Vanessa ang isa sa 18 mga anak ni Jeric, hilig niya ang pagmomotor at pagta-Tattoo. Tunay nga na namana rin niya ang angking kagandahan ng kaniyang mga magulang.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media