Connect with us

Showbiz

Siya pala ang bagong partner ni Dennis Padilla matapos nitong makipaghiwalay sa kaniyang dating asawang si Marjorie Barretto

Published

on

Si Dennis Esteban Dominguez Baldivia o mas sumikat sa kaniyang screen name na Dennis Padilla ay isang 59 taong gulang na komedyante, TV host, radio broadcaster, at aktor. Siya rin ay anak ng isang beteranong aktor at komedyante, ang nasirang Dencio Padilla.

Noong taong 2001 ay naging konsehal siya. Naglingkod siya bilang isang pulitiko mula taong 1998 hanggang 2007. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na dati niyang asawa ang aktres na si Marjorie Barretto.

Taong 1997 hanggang 2009 ang naging pagsasama nila kung saan sila ay biniyayaan ng tatlong mga anak sina Julia, Claudia, at Leon. Ngunit tulad ng ilang mga pagsasama ay nagkaroon din sila ng problema at nauwi sa hiwalayan ang lahat.

Makalipas ang ilang taon ay muling nabigyan ng pagkakataon si Dennis na magmahal muli. Ito ay sa katauhan ng isangAussie-Pinay na si Linda Marie Gorton.

Sadyang napakaganda rin niya tulad ng dating misis ni Dennis. Bagamat 24 na taon ang naging agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang upang hindi nila ipaglaban ang isa’t-isa.

Sa ngayon ay siyam na taon na silang nagsasama at nabiyayaan na rin sila ng tatlong mga anak. Sina Rizzi, Madie, at Gavin ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

Nang minsang tanungin si Dennis kung paano siya nag-adjust sa kanilang relasyon lalo na sa kanilang age gap, masaya naman niyang ipinahayag na marami din siyang natutunan kay Linda. Dahil kasi mas bata ito sa kaniya kung kaya naman nagpupunta na rin siya sa mga lugar na pinupuntahan nito tulad na lamang ng isang disco bar sa Pasay.

Kapag daw “bagets” ang iyong nobya ay talagang magiging “bagets” ka din kalaunan. Halatang-halata naman na mas nagmukhang bata nga ang komedyante. Sinong mag-aakala na muling mabibigyan siya ng pagkakataon na magmahal at mabiyayaan ng isang pamilya.

Inamin dinnaman ni Dennis na maayos ang naging pagtatagpo nina Marjorie at Linda noon sa isang event. Magkakilala din daw ang mga anak ni Dennis kay Marjorie at Linda kung kaya naman talagang masaya siya bilang isang ama.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media