Connect with us

Showbiz

Sarah Lahbati, nagdiwang ng kaniyang ika-28 taong kaarawan sa Tanay, Rizal na inihanda mismo ng kaniyang mister na si Richard Gutierrez!

Published

on

Si Sarah Alzol Lahbati-Gutierrez ay 28 taong gulang na Filipino-Moroccan actress. Siya ay unang hinangaan ng publiko nang mapabilang siya sa 5th season ng reality show na StarStruck.

Makalipas ang siyam na linggo ng kompetisyon ay tinanghal siyang “Ultimate Female Survivor”. Taong 2020 nang ikasal siya sa kaniyang longtime partner na si Richard Gutierrez.

Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang mga anak sina Zion at Kai Gutierrez. Isa na marahil sa pinakamatatag at pinakahinahangaang celebrity couple ngayon ang mag-asawang Richard at Sarah.

Marami man silang pinagdaanan na problema, pagsubok, at kontrobersiya ay pinili pa rin nilang harapin ito ng magkasama para sa kanilang pamilya. Sa tinagal-tagal ng kanilang pagsasama ay hindi pa rin nawawala ang kilig sa kanilang pagsasama.

Sa katunayan nga, kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-28 taong kaarawan niya si Sarah kung saan talagang pinaghandaan ito ng kaniyang mister. Nagtungo sa isang camp site sa Tanay, Rizal ang buong pamilya at doon nga inihanda ni Richard ang isang “magical birthday celebration” para sa kaniyang misis.

Wala namag ibang nasabi ang aktres kundi pasasalamat dahil sa ginawang ito ng kaniyang asawa. Abala man sa kaniyang trabaho ang aktor ay talagang naglaan siya ng panahon para sa espesyal na araw na ito ng kaniyang minamahal.

Nag-post din si Sarah ng kaniyang mensahe para sa lahat ng mga taong bumati at nakaalala sa kaniyang kaarawan.

“and into the forest I go, to lose my mind and find my soul. Can’t even begin to find the words to describe how epic and magical last weekend was,” Pahayag ni Sarah sa kaniyang Instagram post.

“from bumpy and muddy roads to fresh air, mountains, and rivers. So so grateful for this experience,” dagdag pa niya.

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam ang makasama ang iyong mga mahal sa buhay lalo na sa araw ng iyong kaarawan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media