Connect with us

Showbiz

Nadine Lustre, inamin na mas nanaisin pang mag-ampon kaysa magkaroon ng sarili niyang anak!

Published

on

Ang pagpapamilya, pag-aasawa, at pagbubuntis ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring kinasasabikan ng ilang mga kababaihan habang ang ilan naman ay mayroong pangamba at takot na nararamdaman. Sa oras kasing lumagay na sa tahimik at magpakasal na ang isang babae ay siya na ang kailangang mag-asikaso sa kaniyang asawa at sa pamilyang kanilang bubuuin.

Hindi ito magiging madali at talaga namang “life-changing” kung ituring ng marami. Napakarami din kasing mga pagbabago ang mararanasan hindi lamang ng asawang babae kundi maging ng asawang lalaki.

Maraming mag-asawa ang binibiyayaan kaagad ng anak sa kanilang pagsasama habang mayroon din namang iilan na naghihintay pa ng ilang taon bago magkaroon ng sarili nilang anak. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa naging pahayag ng isang mahusay at napakagandang aktres na si Nadine Lustre patungkol sa pagkakaroon niya ng sarili niyang anak.

Ayon kay Nadine, sa tuwing may magtatanong daw sa kaniya noon kung ilang anak ang gusto niya balang-araw, palagi daw niyang sagot ay dalawa. Ngunit ngayon ay “wala” na dahil sa ayaw niyang magkaroon ng anak sa ngayon.

Naniniwala din daw siyang maraming mga bata ngayon ang walang mga magulang at nangangailangan ng pangangalaga at pagmamahal kung kaya naman kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon ay mas gugustuhin niyang mag-ampon na lamang. Kung siya naman daw ay magbubuntis sa hinaharap ay malugod din daw niya itong tatanggapin, mamahalin daw niya ang kaniyang anak ng lubos ngunit sa ngayon talaga ay wala pa sa plano niya ito kung kaya naman talagang pag-aampon lamang ang kaniyang nasa isipan.

Marami ang nagulat sa naging pahayag niyang ito ngunit marami din naman ang sumang-ayon sa kaniyang dahilan. Tunay nga naman na maraming mga bata ang walang mga magulang ngayon at nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga.

Marami pa rin namang ganitong klase ng pamilya na talagang namumuhay ng payapa, kuntento, at masaya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media