Connect with us

Showbiz

Mitoy Yonting, hindi kinakahiya ang pagtitinda ng milktea ngayon sa gitna ng pandemya!

Published

on

Mahigit dalawang taon na rin buhat nang magsimula ang pagkalat ng pandemya hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa maraming mga bansa sa buong mundo. Talagang milyong-milyong katao ang nasawi at napakarami din ang nagkasakit.

Hindi rin mabilang ang mga negosyong kinailangang magsara dahil sa pagkalugi at mga industriyang talagang naapektuhan ng kaganapang ito. Isa na marahil ang “entertainment industry” sa mga labis na tinamaan ng pandemya.

Maraming mga singers, hosts, artista, komedyante, modelo, at mga sikat na personalidad ang nawalan o di kaya naman ay nagkaroon ng matumal na trabaho dahil sa pandemya. At upang masuportahan ang kanilang pamilya, ay naghanap sila ng ibang paraan upang kumita ng pera.

Ito ay ang pagnenegosyo. Isa na marahil si Mitoy Yonting – Kampeon ng The Voice Philippines 2013 – sa mga artistang sumubok na magnegosyo sa gitna ng pandemya. Kung noon ay maraming mga gigs, shows, at mga oportunidad na talagang kumakatok sa kaniyang pintuan.

Ngunit nang mag-pandemya ay unti-unting nabawasan hanggang sa talagang nawala na ang mga proyektong ito. Nakakatakot man at talagang isang sugal ang magsimulang magnegosyo sa g itna ng pandemya ay sinubukan pa rin niya para sa kaniyang pamilya.

Sa ngayon ay may milktea business na si Mitoy, isang rolling milktea store, kung saan siya mismo ang nagmamaneho habang ang kaniyang misis at pamangkin naman ang gumagawa ng masasarap nilang mga produkto. Ayon kay Mitoy, hindi niya ikinahihiya ang trabaho nilang ito dahil sa talagang nakakatulong din naman ito sa kanilang pinansiyal na pangangailangan at nagdudulot din ng kasiyahan sa kanilang pamilya.

Laking pasasalamat din niya na walang nagkakasakit sa kaniyang pamilya at hanggang ngayon lahat sila ay sama-sama pa rin. Patuloy pa ring nagtutulungan at handang suportahan ang isa’t-isa.

Marahil ganyan talaga ang mga Pilipino, kahit mahirap at imposible ang laban ay patuloy pa ring tumatayo at sumusubok muli para sa pangarap at sa pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media