Connect with us

Viral

May-ari ng bahay, nagbigay ng tubig sa isang delivery rider na kumakain sa tapat mismo ng kaniyang bahay!

Published

on

Napakarami na nating pinagdaanan ng mga nagdaang buwan at taong ito buhat nang unti-unting kumalat ang COVID-19 sa buong mundo. Mahirap at talagang nakakatakot na tila nais mo na lamang sumuko, ngunit mas pinili pa rin ng marami sa atin ang lumaban, gumawa ng paraan, at hindi tuluyang sumuko.

Marami mang mga negosyo at establisyemento ang kinailangang magsara, mga manggagawa na nawalan ng kanilang mga trabaho, mas naging positibo at matatag tayong mga Pilipino. Marami sa atin ang talagang naghanap ng bagong trabaho sa gitna ng pandemya, dahil naging patok talaga ang mga online services at delivery services ay mas nadagdagan din ang mga taong sa industriyang ito.

Nakakalungkot lamang na marami sa kanila ang sobrang nagsasakripisyo mayroon lamang maiuwing kita sa kanilang pamilya. Marami pa nga sa kanila ang naloloko dahil sa mga fake bookings o di kaya naman ay pinagsasamantalahan o kinukutya ng mga tao sa kanilang paligid.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang isang delivery rider na ito na namataang kumakain ng kaniyang hapunan sa gilid ng isang bahay. Agad na lumabas ang lalaking may-ari ng bahay at siyang nag-abot ng isang basong tubig sa rider.

Noong una ay makikitang nagtataka pa ang rider ngunit agad din naman itong nagpasalamat, mapapansin din na bahagya pang kinausap ng lalaki ang rider bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Inulan naman ng positibong komento mula sa publiko ang ginawang ito ng lalaki.

Maaaring isang basong tubig lamang ang inabot ng lalaki ngunit naging napalakas ng tulong na nagawa nito para sa rider, sa kaniyang pamilya at mga tao rin sa kaniyang paligid. Sa panahon ngayon, napakasarap pa rin sa pakiramdam na makatulong sa ating kapwa, lalo na sa mga taong nagsusumikap pa rin sa buhay sa gitna ng maraming mga pagsubok.

Ang mabuting lalaki at nakilala sa kaniyang TikTok account name na “@arnel_chico011”.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media