Connect with us

Showbiz

Komedyanteng si Betong Sumaya, hindi napigilang maging emosyonal matapos pakyawin ng kaibigang si Alden Richards ang lahat ng kaniyang paninda sa live selling!

Published

on

Si Alberto “Betong” S. Sumaya Jr. ay 45 taong gulang na komedyante, aktor at dating “production assistant” ng GMA Network. Siya ay nagtapos ng “Bachelor of Arts degree in Filipino and a minor in mass communication” sa Polytechnic University of the Philippines.

Isa siya sa mga talentadong artista ng GMA at hindi na nakapagtatakang marami na ring ipinagkatiwalang proyekto sa kaniya. Marami na din siyang nagawang mga pelikula at mga teleserye.

Ngunit tulad na lamang ng ibang mga industriya, labis ding nahirapan ang “entertainment industry” buhat nang magsimulang lumaganap ang pandemya sa loob at labas ng bansa. Isa na sa mga apektado ang mga aktor at komedyanteng tulad ni Betong.

Buti na lamang at natural na matatag ang mga Pilipino. Sa gitna ng matinding hamon at pagsubok sa buhay ay talagang babangon at babangon sila gaano man ito kahirap o kaimposible.


Dahil patok na patok ang online selling ay hindi na nagdalawang-isip pa si Betong na pasukin din ito. Nagtitinda siya ng kaniyang mga personal na koleksyon at ang mga kita niya rito ay siya namang iniipon niya upang mayroong pangsuporta sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya.

Hindi kasi tulad ng dati, talagang naapektuhan ng husto ang mga pagpapalabas ng pelikula at teleserye dahil na rin sa mahigpit na mga patakaran pagdating sa pandemyang patuloy pa rin nating nararanasan sa ngayon. Nang minsang mag-live selling ang komedyante ay nagulat siya nang mayroong magkomento na RJ Richards.

Tinanong niya kaagad kung ito ba talaga ang malapit niyang kaibigan na si Alden Richards. Hindi pa siya agad na naniwala dahil sa maraming “bogus” at mga manloloko lalo na sa mga online selling.

Ngunit nang makumpirma niyang si Alden nga ito na gustong pakyawin ang kaniyang mga paninda na nagkakahalaga ng Php50,000 ay hindi na napigilan pang maluha ni Betong. Labis siyang nagpapasalamat dahil sa matinding suporta ng kaniyang kaibigan sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media