Connect with us

Showbiz

Judy Ann Santos masayang ibinahagi ang mga masasayang larawan nila habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kaniyang anak na si Lucho!

Published

on

Ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang ilan lamang sa mga sikat na celebrity couple sa bansa na talagang hinahangaan ng marami. Kilala sila sa kaniya-kaniya nilang larangan.

Award-winning actress si Juday at award-winning host naman si Ryan. Hindi lamang mahusay na aktres si Juday at mahusay na host si Ryan dahil mahusay din silang magpalago ng kanilang pera sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Kilala ang business ng mag-asawa na “Angrydobo” kung saan matitikman ang iba’t-ibang klase ng lutuin lalo na ng adobo na recipe mismo ni Juday. Sa gitna ng pandemya ay talagang nagsumikap silang maitaguyod ang kanilang negosyo hindi lamang para sa kanila kundi lalo na para sa kanilang mga empleyado.

Abala man sa kanilang mga trabaho at negosyo ay nagagawa pa rin ng mag-asawang maging hands-on parents sa kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. Tunay nga na napakahusay ng dalawa dahil hindi rin talaga biro ang magpalaki ng tatlong mga anak.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres ang ilang mga kuhang larawan sa kaarawan ng kanilang unico hijo. Nagdiwang ng kaniyang ika-11 taong kaarawan kamakailan lamang si Lucho.

At talaga namang pinaglaanan ito ng oras ng mag-asawa. Una nang ipinasilip ni Juday ang naging dinner set-up nila na makikita rin sa kaniyang IG stories.

“Wolfgang’s Steak” ang request ni Lucho na malugod namang tinupad ng kaniyang ina. Maliban dito ay mayroon ding natanggap na regalo ang birthday boy, isang regalong naglalaman ng Dalgona cookies na usong-uso ngayon dahil sa hit Korean series na “Squid Game”.

May ilang mga larawan din ang aktres kasama ang tato nilang anak na masayang masaya na nagtatampisaw sa isang inflatable pool. Talaga namang napakasarap makakita ng isang masaya at kuntentong pamilya.

Hindi na rin nakapagtataka kung bakit marami ang humahanga at patuloy na sumusuporta sa napakagandang pamilya na ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media