Connect with us

Showbiz

Jake Ejercito, agad na sinagot ang komento ng isang netizen patungkol sa co-parenting set-up nila ni Andi Eigenmann pagdating sa anak nilang si Ellie!

Published

on

Si Jake Ejercito ay isa sa mga hinahangaang aktor at modelo ngayon sa bansa. Siya ay 31 taong gulang na.

Anak siya ng dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph Ejercito Estrada at aktres na si Laarni Enriquez. Hindi na lingid sa publiko na nagkaroon sila ng relasyon noon ni Andi Eigenmann na kung saan nabiyayaan sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Ellie.

Sa ngayon ay 10 taong gulang na ang bata at talaga namang nasubaybayan ng publiko kung paano ito lumaki sa piling ng kaniyang ina. Hindi man naging maganda sa simula ang resulta ng paghihiwalay noon ng magkasintahang Jake at Andi ay nagkasundo naman silang maging co-parent para sa kanilang anak na si Ellie.

Ito na marahil ang pinakamagandang regalo nila para sa kanilang anak. Kitang-kita kasi sa mga mata ni Ellie na punong-puno ito ng pagmamahal hindi lamang mula sa kaniyang ina ngunit lalo na sa kaniyang ama na si Jake.

Mayroon na rin siyang dalawang kapatid sa kaniyang ina na sina Lilo at Koa at maayos din naman ang relasyon nila ng kaniyang stepdad na si Philmar Alipayo. Laking pasasalamat din ni Jake dahil sa pagpayag ni Andi na makasama niya si Ellie paminsan-minsan.

Madalas ding nagbabahagi ng mga larawan at videos si Jake sa kaniyang social media account. Tuwang-tuwa din naman ang marami niyang mga tagahanga dahil kahit pa nga limang taon nang single ang aktor ay masayang masaya pa rin ito dahil sa nakakasama niya ang kaniyang unica hija.

Kamakailan lamang ay nagbahagi siyang muli ng larawan nila ni Ellie, marami ang nagkomento at pumuso sa larawan nilang ito. Ngunit isang netizen ang nagkomento na “This is the big lesson of both parents separating their lives, we must consider. Kaya ayaw ko mag-asawa eh.”

Hindi naman ito pinalampas ng aktor at sinabing “Lesson here is not overgeneralized. Not everyone has it easy and forcing something that will never be will just be worse.”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media