Connect with us

Viral

Isang matandang lalaki, araw-araw nagtitinda ng lugar upang suportahan ang sarili ngunit wala halos bumibili sa kaniya dahil sa pwesto ng kaniyang paninda!

Published

on

Mahirap man ang buhay at marami man tayong mga pagsubok na pinagdaraanan ay marami pa rin sa atin ang talagang nagpapakatatag at nananatiling positibo sa buhay. Wala mang naniniwala at nagtitiwala sa atin, hindi pa rin tayo sumusuko lalo na kung naroon pa rin ang pagmamahal at tiwala natin sa ating sarili.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang isang matandang lalaki na ito na mag-isa na lamang naninirahan sa kaniyang barong-barong. Ibinahagi ng netizen na si Max Udomsak na mula sa Bangkok, Thailand ang mahirap na kalagayan ng isang matandang lalaki na ito na araw-araw nagbebenta ng lugaw upang makaraos sa araw-araw.

Alas-tres pa lamang daw ng madaling-araw ay nagluluto na ito at naghahanda ng kaniyang panindang lugaw. Ngunit sa kabila ng maaga niyang paggising ay napakadalang ng bumibili sa kaniya dahil na rin sa estado ng kaniyang pwesto.

Ang ibinebentang lugaw ng matanda ay nagkakahalaga lamang ng 34 hanggang 40 pesos na mayroon nang kasamang itlog. Ayon kay Max, sa kaniba ng estado ng kaniyang tinutuluyan ngayon ay masarap naman daw talaga ang kaniyang itinitindang lugaw at malinis naman din daw ang pagkakaluto dito.

Sa barong-barong lamang nakatira ang matanda dahil sa wala na siyang ibang kapamilya at nasunog din ang kaniyang tinitirhang bahay noon. Matapos ibahagi ni Max ang kwento at ang kalagayan ng matandang lalaki sa social media ay mas marami nang nagnanais na tulungan siya.

Mayroon na ring nagpupunta sa kaniyang pwesto at doon kumakain ng paninda niyang lugaw. Tunay nga na hindi hadlang ang kahirapan o ano mang pagsubok sa buhay upang tayo ay sumuko na nang tuluyan.

Bagkus ay mas dapat tayong magsumikap pa ng husto upang makaraos sa araw-araw. Kahit papaano ay marami din namang tutulong sa mga taong una nang tumutulong sa kanilang sarili kahit pa gaano kahirap ang buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media