Connect with us

Viral

Isang bahay na gawa lamang sa yero kung titignan sa labas, nagpabilib sa maraming mga netizens!

Published

on

Isa na marahil sa “long-term goals” ng maraming mga Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Kung noon kasi ay abot-kaya pa ang presyo ng mga lote, ngayon ay talagang nagmamahal na ito sa paglipas ng panahon.

Nakakalungkot lamang isipin na sobrang imposible para sa karamihan ng mga Pilipino na “minimum-wage earner” lamang ang magkaroon ng bahay at lupa na maituturing nilang kanila talaga. Milyon din kasi ang inaabot ng halaga ng maliit na lote habang ang mga materyales ng pagpapagawa ng bahay ay hindi rin talaga biro.

Madalas na tumataas ang mga presyo ng mga materyales na ito kaysa bumababa. Buti na lamang at kahit paano ay mayroon pa ring mga simpleng paraan upang makamit ang pinapangarap nating “dream house”.

Tulad na lamang ng isang bahay na ito na pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens. Maaaring gawa lamang ito sa yero at hindi ganoon kaganda ang hitsura sa labas ngunit sa loob pala nito ay talagang kumpleto sa kagamitan.

Makikita sa mga larawan online na mayroon itong kusina, sala at tulugan. Napakalaki ng nagkasyang kama dito at talaga namang nakakaengganyong matulog. Tiyak na magiging komportable din ang mga taong maninirahan dito dahil hindi naman masikip sa loob nito.

Mayroon pa ngang malaki at malambot na sofa sa sala nito kung saan din matatagpuan ang isang TV. Kumpleto din sila sa appliances tulad na lamang ng refrigerator.

Tiyak na makakapagluto ka din ng maayos sa kusina dahil tamang tama lamang ito upang makakilos ng maayos sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Talaga namang napakasarap sa pakiramdam lalo na kung mayroon na tayong sarili nating bahay.

Wala ito sa laki o lawak ng lugar kundi nasa mga taong naninirahan dito. Kung gaano sila kaligaya na sila ay sama-sama sa iisang bubong at kung paano sila magtulungan sa araw-araw para rin sa kanilang kapakanan.

Ikaw? Ano ang hitsura ng “dream house” mo?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media