Connect with us

Showbiz

Engagement photoshoot ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, pinusuan ng maraming mga netizens!

Published

on

Isa na marahil sa pinakakontrobersiyal na magkarelasyon ngayon ang mag-fiancee na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Maaalalang nagkaroon muna ng karelasyon ang dalawa na mga sikat ding artista bago pa man sila maging magkasintahan.

Si John Lloyd Cruz ang dating nobyo ni Ellen Adarna kung saan nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Elias Modesto. Habang ang aktor naman na si Derek ay mayroon na ring anak sa dati niyang asawang si Mary Christine Jolly na nakilala bilang si Austin Ramsay.

Naging maugong na usap-usapan rin ang relasyon nila ng aktres na si Andrea Torres bago pa man maging magkarelasyon sina Derek at Ellen. Ayon din sa ilan pang mga ulat, si John Estrada daw mismo ang nagpakilala at nag-set ng blind date para sa dalawa.


Hindi nagtagal at kinumpirma na nga ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon. Ngunit halos isang buwan pa lamang ang nakakalipas ay nagulat ang publiko nang alukin ni Derek ng kasal ang aktres.

Agad namang sumang-ayon ang aktres kahit pa nga ilang buwan pa lamang silang magkakilala. Sa ngayon ay nasa co-parenting status naman sina Ellen at John Lloyd.

Kamkailan lamang ay mayroong ilang mga balitang kumakalat na unti-unti na raw nagpapamigay ng mga imbitasyon sina Ellen at Derek para sa nalalapit nilang kasal. Kaugnay nito ay nagbahagi rin ang dalawa ng kanilang mga larawan kung saan palagay ng marami ay mula sa kanilang engagement photoshoot.


Makikita ang mga magagandang larawan ng magkasintahan na tila ba nasa isang lugar kung saan maraming matataas na mga damo. Kitang-kita rin naman kung gaano kaganda ang pangangatawan nilang dalawa.

Mababakas ang tamis sa pagtitinginan nilang dalawa sa mga larawang ito. Umani din naman ng sari-saring komento mula sa publiko ang kanilang mga larawan.

Marami din sa kanilang mga malalapit na kaibigan at katrabaho sa industriya ang bumati sa kanila para sa nalalapit nilang pagpapakasal.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media